BG

Wednesday, September 12, 2012

Mirror Fragments [2]


Episode 2 - Once Upon A Time



Nakita ko siya. Isang anghel.

Marahil.

Sa mukhang iyon, marahil ay isa nga siyang anghel. That kind of beauty was just too inhuman, too unearthly.

"Tol...tol...okay ka lang?! Ano pakiramdam mo?"

Kahit ang kanyang boses ay makalangit. Pero...Tagalog din ba ang lengwahe ng mga anghel? Tol din ba ang tawag nila sa mga taong sinusundo nila? Ang weird naman. Which brings me...

"Buhay pa ako?" Tanong ko, habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang mukha. My senses snapped back, at saka ko ginalaw ang aking ulo upang pagmasdan ang paligid. Nasa Pilipinas pa rin ako. At ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang tanging taga-langit.

"Itatanong ko rin sana. Well, seems like you still are." Ang sabi niya and then he gave out a relieved smile. I swear, I melted like a sweet cheese sa ngiting iyon. Pantay ang kanyang mga mapuputing mga ngipin, at bagay na bagay ang kanyang mga ngiti sa kanyang mukha. His eyes were dark - coal dark, and the way it was arched was perfectly manly. Idagdag pa rito ang tamang-tama na rami ng kilay. Para siyang isang model sa isang elite magazine na titig pa lang, maiihi na ang mga babae. His nose, too, were perfectly straight and angular. Everything in his face seems perfect, every small detail is highly defined, at kung hindi lang sana ako si Cody - na walang masyadong pakealam sa mga artista at model - I could have gotten myself a paper and a pen para magpa-autograph. Teka, baka nga artista ito! Hindi kasi ako mahilig manood ng TV kaya marahil hindi ko kilala, pero siguradong model ito o artista. Pero maari rin namang hindi dahil baka nagkagulo na ang ospital kung ganoon. Dinadaan daanan lang kasi kami ng mga nurse, though siyempre, napapalingon ang mga ito sakanya at halatang tulad ko, ay naee-ngkanto rin sa kagwapuhan ng lalaking ito. Pero marahil ngayon lang din nila ito nakita. Ibinaba ko ang tingin and studied his outfit, at halos malaglag ang aking panga sa nakita. Naka black tuxedo siya, yung suot ng mga lalaki sa Men in Black 3, na bagay na bagay talaga sakanya. Hindi rin nakalagpas saaking paningin ang kanyang biceps na parang puputok at halatang nahihigpitan sa kanyang suot. Mapapansin mo rin ang kanyang well-defined chest, walang katataba-tabang beywang, at flat stomach, kung saan maaring nagtatago ang isang set ng complete, six-pack abs. Teka...Ate, ate!!! Pa-picture naman kami oh!

"A-ano pong nangyari?" Tanong ko at saka sinubukang umupo sa pagkakahiga. Nasa isang ospital kami, ngunit alam kong hindi naman malala ang aking sitwasyon dahil wala namang mga IV o mga bandage na nakakabit saakin. Naroon lang ako nakahiga sa sa isang stretcher. Mabilis naman siyang kumilos at inalalayan ako sa pag-upo.

"May kausap kasi ako sa phone habang nagda-drive, and then you made a turn, tapos hindi kita nakita. Mabuti na lang ay nakatalon ka bago pa kita tuluyang mabangga. And I'm really, really sorry about your bike. Though its a relief na yung bike mo lang ang napuru----"

"YUNG BIKE KO?!" I exclaimed, as if mas mabuti pang ako na lang ang nagkadurog-durog kaysa sa bakal na iyon.

My poor bike. Mahal na mahal ko pa naman ang bike na iyon. Napakalaking tulong ang naibibigay nito saakin. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive this past year kung hindi ko ito kasa-kasama sa school, sa trabaho, at sa kung saan saan pang importanteng pupuntahan. Napagtatawanan man ako ng mga estudyanteng may magagarang kotse sa UST, hindi ako kailanman nagsisisi o nahihiya na bisikleta lang ang gamit ko. While others take it as a laughing stock, it have been my one of my modes for survival. Bigay iyon saakin ng isang mayamang matanda na hinahatidan ko ng diaryo araw-araw. Matagal na itong hindi nagagamit at sira na rin daw, pero pag pinaayos ko at naayos naman, saakin na. Labis ang saya ko nang maayos pa iyon, at nang dalhin ko pa sa bahay ay nagustuhan pa ni Allen at sinabi kay mama na gusto niya ito. Pero talagang pinaglaban ko na saakin iyon, at nanakit na ang panga ko sa mga sampal na natamo ko, pero pinanindigan ko na saakin iyon. Isa lang kasi iyon sa iilang bagay na talagang akin. At iilan rin sa mga pag-aari ko na hindi ko hinayaang makuha ng iba, namely, Allen at Melissa.

At habang inaalala ko pa ang aking bisikleta, bigla na lamang tumulo ang aking mga luha.

"A-anong p-roblema? Bakit ka umiiyak?" Ang tanong ng lalaki habang ang mukha'y naguguluhan at nagtatanong.

"W-wala po..." Ang sabi ko at saka humiga at tumalikod sakanya. Feeling ko namatayan ako.

Tahimik.

"I...I'll just go to the doctor and ask if you'll fine to leave." Ang sabi niya at saka tinapik ang balikat ko.

Ang OA mo naman. Ang sabi ko sa sarili ko habang pinupunas ang mga luhang kusang lumalabas saaking mata. Bisikleta lang, makaiyak ka...

Pero mahalaga na talaga saakin ang bisikletang iyon. Sobra. Sobra din akong nanghihinayang sa mga perang maari ko sanang matipid kasama iyon. At ngayong wala na ito, gagasto na naman ako sa pamasahe.

Nang bumalik ang gwapong-lalaking-nakabangga-ng-aking-bisikleta-na-hindi-ko-pa-alam-ang-pangalan ay naayos ko na ang aking sarili at naghihintay na lamang sakanya upang magpaalam umalis.

"Ok ka na?" May ngiting tanong niya saakin. Nagblush naman ako dahil sa hiya na nakita niyang iniyakan ko ang isang bisikleta.

"O-ok lang.." Ang sabi ko, not meeting his gaze.

A few minutes ago, nakaramdam ako ng konting inis sa lalaking ito. Alam ko namang may kasalanan din ako kung bakit ako muntik nang mabangga, pero hindi ko pa rin mapigilan ang sariling isisi sakanya ang pagkawala ng aking bisikleta. And besides, kelangan ko ng pera. Desperado na ata ako para mabayaran ang aking mga babayaran. Kaya buong lakas kong sinabing...

“Ahmmm…K-kuya…P-pwede bang, bayaran mo na lang yung bike ko?”

Tiningnan ko siya matapos sabihin iyon, but then, I made a wrong move.

Because The moment our eyes locked, it opened something new. Something I don't have a complete grasp of. Something strange, something alien. Something that would completely change my life. I knew it, right at this moment, that I was born again

Matapos ang sampung segundo na pareho kaming napako sa kintatayuan habang nagtitigan ay ibinaba ko ang aking ulo and blushed uncontrollably..

Define Love? Love is HIM. Whoever he is. I love him, I think.

“W-wala akong pera eh…” Ang sabi niya upang basagin ang katahimikan. Mistula naman akong binatukan sa sinabi niyang iyon. Ang damot niya, gosh.

Marahil nakita niya ang pagkadismaya sa aking mukha kaya may kinuha siya sa kanyang bulsa sa dibdib.

"Anyway, just take this." He said at saka ini-abot saakin ang isang calling card. Kinuha ko naman iyon at isinilid saaking sariling bulsa. "Call me na lang or go to my office. Pero I'm in a vacation for three days kaya okay lang ba kung after three days ka na rin pumunta doon?"

Napangiti naman ako dahil ibig sabihin, may chance na magkita pa kami.

"O-opo...S-salamat...Kailangan ko lang talaga ng pampalit sa bike ko."

"Yeah I know. I am so sorry about the accident. I should've paid more attention to the road." He apologized, as his eyes remained glued to mine.

"H-hindi, may kasalanan rin naman ako eh. Dapat din tiningnan ko muna kung may paparating bago ako tuluyang lumiko. Sorry for the inconvenience."

He smiled again, the sweetest, at saka ko inilayo ang tingin.

"Ang mahalaga okay na ang lahat. The doctor said pwede ka nang umuwi. Tara sabay na tayo palabas"

Tumango lang ako at saka sumunod sakanya. Hindi naman kami nag-usap sa daan, though gusto ko sana magtanong ng maraming bagay sakanya. Kaso wala naman ako sa lugar.

"So, I guess, this is it?" Ang sabi niya at saka iniabot ang kamay saakin. His hand was big, halos lulunin na nito ang kamay ko. Pero kahit ang kamay niya ay napakalalaki tingnan. It was so manly, yung tipong pang-advertisement sa mga hand soap.

He smiled one last time noong iniabot ko rin ang sariling kamay. I just looked at him while we did that, enthralled at his majestic beauty. Well, sorry naman, I'm still young, madaling nahuhulog sa kung ano mang bagay na kaaya-aya sa mata.

We held our hand for a time that seemed forever...I was dreading the time that I have to let go.

He suddenly cleared his throat.

Nagulat naman ako at nagising sa aking pagpapantasya. I blushed again dahil hindi ko pa pala nabibitawan ang kanyang kamay simula nang iabot niya ito.

Hindi ko mapagdesisyunan sa kanyang reaksyon kung ngingiti ba siya o sisimangot. Wari'y hindi niya pa rin alam ang iisipin sa mga inaasta ko. Tumalikod na siya at saka naglakad papunta sa kanyang kotse. I suddenly felt sad. And realized I still don't know his name.

"T-teka, k-kuya!" Ang sabi ko at saka tumakbo papalapit sakanya. "A-anong pangalan mo?

"Huh?" Ang sagot niya, bakas sa mukha ang pagtataka. "You can just look at it at my calling card, you know."

Isang batok muli. Shocks, ba't di ko naisip yun? Sobrang nahiya tuloy ako dahil baka iniisip na niya na gusto ko lang makipag-usap sakanya. I have never been oblivious with my actions sa taong crush ko before.

"Ah...right.." Ang sabi ko na lang.

"Oh. Why don't we just go together? Come, I'll give you a ride. Tutal ako din naman may kasalanan bakit nawalan ka ng bisikleta." He asked me, smiling, as if it's the brightest idea that came in his mind. Well, it sort of is.

I smiled sweetly matapos marinig iyon, kulang na lang mag-beautiful eyes ako.

"Talaga kuya?! Salamat talaga. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako uuwi."

Naglakad kami papunta sakanyang kotse at nakita ko nga ang konting gasgas sa may bandang kaliwa nito. Then suddenly, I saw it. A cold wind brushed my face habang naalala ko ang aking totoong pamilya, ang aming munting barong barong, ang aking mga kapatid, ang aking nanay, at ang aking tatay. That part of my memory was so clear now, as if I'm seeing it in a movie. And yet, even though that memory was very brief, it explained everything about my past. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya na naalala ko na, kahit konti, ang aking totoong pamilya. I still don't feel complete. I still feel like a huge part of me is still gone. Marahil kapag nakita ko sila, makokomplete na ako.

Just a sight of them, I promised myself. Hindi ko guguluhin ang buhay nila, gusto ko lang sila makita. Pero saan ko sila hahanapin? Tanging isang maliit na barong barong kung saan ang haligi ay pinagtagpi-tagping yero lamang ang aking naalala.

"Do you want to come in?" His voice stopped me from thinking. Nakatayo siya sa tabi ng passenger seat, at binuksan ang pinto para saakin. Gentleman, check.

"Salamat." I muttered. I saw him made a quick run-walk papunta sa driver's seat, as if alam niyang naghihintay ako. Hindi ko naman maiwasang kiligin sa ideyang katabi ko siya sa isang kotse, at sakanyang kotse mismo.

"Off we go..." He said lively, not removing that lovely smile in his face. "Saan ka nakatira?"

"Malapit na doon sa lugar na muntik na tayong magkabanggaan. Sasabihin ko na lang kapag malapit na tayo." Ang sagot ko.

Inside his car, the air smelled like an expensive air freshener that reminded me of the Dean's Office. Napakaplain lang sa loob, though siyempre, magara talaga ang kotse. The design of the car speaks for its quality. Sigurado akong mamahalin iyon. Isa siguro ito sa pinakalatest na model.

"M-magkano po ang bili mo sa kotseng ito? Ang ganda kasi." Tanong ko habang iginigala ang tingin.

"40,990 USD,” Parang wala lang sakanya ang sinabing presyo. Wari'y isa lamang iyon sa mga maliliit na bagay na binibili niya. Ako naman ay bahagyang tumalikod sakanya, at doon inilabas ang labis na pagkagulat.

40,990? Kung ganoon, 1,702,990 sa Philippine Peso. Kung babasehan ang aking sweldo, sa ika-dalawampung taon ng aking pagtatrabaho ko pa kikitain ang ganoon kalaking pera. Mapapa-ikli din naman ng labingwalong taon kung hindi ako kakain o bibili ng kahit na ano sa loob ng panahon ng aking pag-iipon. O kung iisipin, makakapag-ipon rin sana ako ng ganoon kalaking pera...kung nagsimula na akong magtrabaho noon pang panahon ng Batas Militar!

"Can you do me a favor..." Ang sabi niya, but he stopped and his eyes rolled as if an idea struck him... "Hey, I didn't realize I don't know your name either!" He made a quick laugh. "Sorry for my impoliteness. Ano nga ulit pangalan mo?"

"C-cody. Cody Cleton." I stammered.

"Im Alex. You can call me Al." He said while he looked at me for a second or two. Then he returned his eyes on the road.

"So, Cody, tell me about yourself." He said a minute later.

"Huh?" Ang sabi ko lang. "Haha. Wag na. Mabo-bored ka lang. For a person like you, my life would surely be boring." Ang sabi ko. Would he really want to hear how hard I was working all my life?

"Try me." He smiled.

I tried to think of anything that will be of interest for this person.

"Im a second year nursing student in the oldest University in the Philippines," I said. Maipapagmamalaki ko naman siguro iyon.

"That's something," He said. "Diba may cut-off sa nursing ng UST? Your parents must be really proud."

"Not really," I answered honestly. Papa Gildo would have been proud. Pero on my mother's case, being in the College of Nursing just gave her one more reason to hate me.

"Bakit naman?"

"My mother doesn't like it. Hindi naman yun bago dahil normally she doesn't like anything I do...or anything about me."

"That must've been hard for you," he mused.

"You have no idea." I muttered darkly.

Tahimik.

"But its actually fine. The more that my mother does that, the more it gives me reason to keep on living up my dream. I want to make her proud...and repay all the sadness I gave her."

He smiled naman sa sinabi kong iyon.

"Why does your mother dislike you?" He asked straightly.

I pressed my lip.

"Its...complicated."

"I think I can keep up," he pressed. I don't know why in the world would a person like him would want to know about me. A person like him. What type of person is he, anyway? Aside from he's wearing a black tux and drives a black car, what do I know about this guy whose smile makes my heart skip a beat?

I paused for a long while, and then made a mistake by looking at him. Para akong hinihigop ng kanyang mga mata that I answered without thinking.

"My father died because of me."

"Oh," He said in a low voice. "That is complicated. Anong nangyari? And how old were you when that happened?"

I told him what happened on the day of the accident. After I was finished, he suddenly parked the car in front of a restaurant.

"I know you find it strange but, I really want to hear more about your story. Kain muna tayo, please continue your story while we are eating."

Gusto ko sanang magprotesta, pero nauna na magprotesta ang aking tiyan.

"W-wala akong pera eh..." It was my turn to say that.

"Don't worry, akong bahala sayo."

It was a five-star restaurant, at nang makita ko ang menu at ang mga presyo, my jaw dropped.

Kung iisipin, ang pinaka-murang pagkain doon ay katumbas na ng tatlong araw kong budget para din sa pagkain ko.

"I-ikaw nang bahalang mag-order para sakin," Ang sabi ko kay Alex. Nag-iingat lang ako dahil sa sobrang mahal ng mga pagkain, baka wala na akong matirang lakas ng loob para pumunta sa opisina niya at humingi ng pambili ng bisekleta.

My ears didn't successfully heard all the food he ordered, mainly because the names were strange, pero ang alam ko lang, madami iyon. Hindi naman ako nagkamali dahil it took two waiter para madala sa amin ang aming inorder. Ah, ang kanyang inorder.

Akala ko matakaw siya kaya ganun kadami ang inorder niya, pero ang mas lalo kong kinagulat ay ang mga pagkaing nakahain. Sigurado akong karamihan doon ay ngayon ko lang nakita, pero ang nakakatawa ay kung gaano kalaki ang presyo ng bawat putahe ay ganoon kakonti ang nakahain. As in, konti talaga. May isang maliit na karne nga na pinaibabawan lang ng dahon. Naka-nganga ako habang pinagmasdan ang lahat ng iyon. Hindi ko lubos akalain na may gantong pagkain sa mundo.

"Kain ka na." Ang sabi niya noong makitang hindi ako gumagalaw.

"S-sigurado ka Kuya Al?"

Tumawa naman siya.

"Oo naman. Sige na, kain ka na. O baka may gusto ka pang i-order? Just tell me."

"W-wala na. Ang dami na nga po nito eh." Honestly, the food was unnecessarily expensive. Its just too much, for a person like me, and just thinking of the price of this all, gusto ko nang umuwi at kumain na lang sa karinderyang lagi kong kinakainan. Doon, isang order lang ay busog na ako, at ang ma-gagasto kong pera ay 1% ng lahat ng ito.

At some point, this somehow goes agaisnt my principle na wag kakain o gagasto na sosobra sa kailangan ko. Pero, hindi naman marahil ito sobra dahil kakaunti rin naman kung tutuusin. At saka, hindi naman ako ang gagasto. Does it make a difference?

Nahiya man ako, sinabi ko na ang kanina ko pa gustong itanong, "Kuya, hindi mo naman ito ibabawas sa bike ko, diba? At saka, w-wala bang rice?"

Tumawa uli siya.

"Right, right. I'm sorry. Ikaw kasi, sabi ko mag-order ka na. Usually kasi ako lang kumakain mag-isa sa restaurant na ito kaya nakalimutan ko. And of course, hindi ko ito ibabawas."

Ah. Lagi na pala siya kumakain dito. Yaman.

"Anong restaurant po ba ito?"

"Its an Italian restaurant."

That would explain kung bakit parang ngayon ko lang nakita ang mga pagkain. At saka high class talaga ang gamit at interior designs nito. Parang classic ang dating. Feeling ko nasa 1990s movies ako, lalo na dahil sa damit ng mga waiter.

"Italian? Mahilig ka po ba sa mga pagkaing Italyano?"

"Im, half-Italian kasi." He replied as he was slicing some meat.

"Ahh...Kaya pala napaka-gwa...." I stopped. Baka mahalata. But that would explain his manly features. Ang mata, ang ilong, ang labi...

"Ano yun, Cody?"

"Wala po..."

"Diba may sinasabi ka?"

"Wala po ah.."

"I really think I did heard you say something..."

I can see that he was trying not to smile.

"Oh you heard wrongly po.."

He was about to say something so he raised his head. When he looked at me, he stopped and his expression changed, the same expression he wore when something came up in his mind.

"You're half-Italian too, right?" He asked, amazed.

Tumawa naman ako.

"I wish I was. Pero pure Filipino po ako." Ang sagot ko naman. Siguro, kung hindi ko pa naalala ang totoo kong magulang, I would have replied 'maybe' dahil nga maraming nagsasabi saaking half-something daw ako. At kung anong something man iyon, wala pang nakaka-alam.

"No. I've been with Italians long enough para masabing you have the same features as we have. At saka, pwede bang wag ka na mag-po?. I unnecessarily feel like an adult. Hehe"

You have the same features as we have. Hindi ko alam kung bakit pero my heart leaped when I heard that. Napaka-gwapo niya, at para sabihing may kapareho akong feature sakanya, it’s too much.

"Woi. Biruan na ba Kuya? " Ang sabi ko lang na natatawa.

Suddenly, dumating ang inorder ko dala ng isang gwapong waiter at sa likod niya ay isang magandang waitress. I understood the look in her eyes as she assessed Alex. She welcomed him again warmly, dahil nga marahil ay regular dito sa Al. Pero I was surprised that I was really bothered with that. Maganda ang babaeng iyon at matangkad, and I can almost picture her with this Al. Pero naisip ko rin na its useless na magselos sa isang babaeng ganto kung ang lalaking pinaguusapan ay katulad ni Al, na kakikilala ko pa lamang, at interesado sa kwento ng buhay ko. Sa hitsura ba naman niyang pamatay talaga, sigurado akong marami na, at marami pang babae ang magwawagayway ng puting bandera makapunta lamang sa kanyang kwarto.

Nakita ko rin na padapong tumingin saakin ang babae, ngunit matapos ang dalawang segundo ay bumalik din ang tingin kay Al. Napaka-ordinary naman kasi ng mukha ko para tingnan ng matagal.

"Is there anything else that you want Sir Alex?" The woman asked. Ahmm, girl, ateng, andito po ako, may tao pa po rito...kasama niya po ako.

"No, nothing. Thank you." He said as he flashed his gleaming smile. The waitress seemed to lose her focus. Nakita ko siyang naglakad pabalik na parang matutumba.

"Kuya, you should stop doing that," I commented, nakanguso. Tinusok-tusok ko ang karne. "It’s not fair, you know."

"Yung alin?"

"Dazzling people like that. Tingnan mo yung waitress, maa-outbalance pa ata."

"I dazzle people?" Inosente niyang tanong, looking straightly in my eyes.

"Hindi mo alam?" Tanong ko rin, fighting his gaze. Nakipagtitigan ako.

"Do I dazzle you?"

“That…”

Okay I lost. Mabilis kong ibinaba ang tingin and the blushing starts.

"Bakit niyo po pala nasabing half-Italian ako?" I asked, changing the topic. Mabuti na lang he didn't pushed the question any further.

"I just know. Tulad nga ng sinabi ko, matagal na din ako sa Italy. And I swear, you surely look Italian.” Ang paliwanag niya. I can’t stop myself from smiling sa narinig na iyon.

“Does my height and my skin look Italian?” Ang hamon ko.

“Half-Italian.” He decided. “But you should really ask your parents about that. Maybe may Italian relatives kayo.”

Inisip ko ang aking totoong pamilya.

“Maybe not.”

Matapos noon ay pareho kami nagconcentrate sa pagkain. I tried hard to act as humanly as possible. Unfortunately, I can’t. Hindi ko alam kung papaano gumamit ng kutsilyo, at kung alin ba sa mga nakahain ang dapat unahin. Kaya in the end, hindi pa rin ako maka-kain ng tama.

“So, what happened next?” Ang tanong niya maya-maya. “What happened the next day?”

“Oh no. Haha. Pagkukwentuhan ba natin ang nangyari araw araw matapos iyon?”

Tumawa rin siya.

“Then just tell me everything you can since that day onwards.”

“Nagsimula na ang totoong kalbaryo ng buhay ko.” I half-smiled. I find it also unfair na wala akong ganang magkwento sakanya, pero I just feel uncomfortable sa usapang ito.

“So, ano nang setup mo ngayon? Do you still live with your mom? Siguro naman ay may naiwan ang papa niyo para makapag-aral ka pa sa UST.”

“Ako ang nagpapa-aral sa sarili ko. May scholarship kasi sa mga valedictorians. Iyon ang dahilan kung bakit ako nakapag-aral sa university. Kaso nga lang…I lost the scholarship this year.” I looked outside the window, trying to repress the fact na sooner, kung hindi man later, ay magpapa-alam na ako sa aking dream university.

“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa nanay mo?” Kunot-noo niyang tanong.

“She will never be willing to help.” Ang sagot ko lang.

“I…I don’t understand” He admitted, and also seemed frustrated about it.

“Sorry, I think you missed out the most important part.” Ang sabi ko. And so I told him how life was with my mother. Kung paano niya ako tratuhin at kung paano ako namuhay sa nakalipas na mga taon. Isa pang rason kung bakit ayaw ko nang ikwento ang aking buhay ay dahil bumibigat pa rin ang aking puso kapag naalala ko ang aking nakaraan, at ini-isa isa ang lahat ng paghihirap na iyon.

“Wow,” Was all he was able to say after I finished talking. “That doesn’t seem fair.”

“Wala pa bang nagsasabi saiyong Life is not fair?” Ang tanong ko, imagining the kind of free life he’s living.

“I think I heard that before.”

No one spoke after that hanggang makabalik na kami sa kotse. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak, pero alam kong may malalim din siyang iniisip.

Mamaya, nagsalita siya.

"Could you...help me live a simple life? For three days?"

Tiningnan ko siya ng matagal bago sumagot. Weird, ang unang pumasok sa utak ko. Why would a person like him want to try and live a simple life kung napaka-'perfect' na ng buhay niya.

"I know it sound weird but...I want to try it. Actually, that's the whole point of this three-day vacation." Tiningnan niya din ako.

Nag-isip muna ako bago sumagot.

"I...I don't know how will I be of help kung gusto mo mamuhay ng simple. Because there's many ways on how you can live your life as simple as possible. But that simpleness, nasa loob iyon. Hindi mo iyon makukuha within this three-day vacation na sinasabi mo Kuya." I tried to say.

"I know, I know. But, gusto ko maranasan ang buhay na mayroon ka ngayon. Since you said you moved out naman diba."

"Am I hearing things right Kuya? It's been like, seven hours ago since we met, tapos gusto mo na maranasan ang buhay ko?"

"I know it sounds really, really crazy. But I feel like I know you for long now, since ikniwento mo naman saakin ang iyong buhay. So, if there would be someone who could help me with this three-day quest of living a simple life, I would be very satisfied if it would be with you."

He seemed to be waiting for my answer pero hindi na ako nagsalita matapos iyon. My mind was thinking, analyzing, trying to understand this person, and the irrationality of his request. Hanggang...

"Dito na tayo muntik magkabanggaan, right?"

Hindi ko siya tiningnan, bagkus ay sinabi kong

"Diretso lang, pagkatapos ng dalawang kanto, lumiko ka." I instructed. Sumunod naman siya sa utos ko. At matapos nga ang dalawang kanto, naroon na kami sa isang squater's area.

Pagpasok namin sa street na iyon ay pinabagal niya ang takbo ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang buong paligid. Nadaanan namin ang mga bahay na yari lamang sa mga pinagtagpi-tagping yero at mga pinagpatong-patong na kung anu-anong mga bagay just to have themselves a place that will protect them from hot days and cold nights. Dinaanan namin ang isang maliit na bahay, ang bahay na alam kong umaampon ng mga galang hayop sa lansangan, pinapakain, binabantayan, inaalagaan. Tumutulong sila ng ibang nilalang, kahit sila mismo ay nangangailangan ng tulong.

Hindi rin nakalagpas sa aming paningin ang maduming paligid, mga nagkalat na basura, at ang putikang daan. May mga nagsisitigil naman sa kanilang mga ginagawa kapag nakikita ang sasakyan na dumaraan, at may mga bata rin na sumusunod sa mabagal na pag-usad ng kotse. Para silang nakakita ng isang magandang bagay galing sa itaas...something that doesn't belong here, in the underworld, with the underdogs.

Si Kuya Al at ang kanyang kotse. They were perfect contrast with this real world, the other, darker side of this world. The one that belonged to the less fortunate, to the victims of oppression. Ang lugar na halos hindi na sinagan ng araw, ng biyaya na galing sa itaas. Ang mga taong naghihintay sa ilalim ng isang malaking lamesa, kung saan nagsisikain ang mga mayayaman, at kung ano mang mahulog mula sa lamesang iyon ay siyang pinupulot ng mga nasa ilalim, at iyon na ang buhay nila.

Nang makarating kami sa dulo ay sinabi kong lumiko, dumiretso, lumiko ulit, and then nasa highway na kami. Tinigil niya ang kotse sa tabi ng daan.

"A-akala ko ba pupunta tayo sa bahay niyo." He said in a low voice, as if hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nakita. There was something in his eyes too, sadness, maybe.

"Nakita mo iyon, Kuya?" Ang sabi ko, smiling faintly. "Iyon ang buhay dito. Iyon ang buhay na hindi mo mararanasan, at sa kadahilanang hindi ko maunawaan, gusto mong maranasan. Doon nangyayari ang mga bagay na hindi mo lubos maisip na posible. Ang mga taong naghihikahos, na habang-buhay ginugugol ang oras sa kaiisip kung papaano makakain ng tatlong beses sa isang araw. At doon, sa mga pinagtagpi-tagping mga yero at kahoy na tinatawag nilang bahay, doon na nangyayari ang lahat ng dula ng buhay. Hindi ko rin maisip kung papaano, pero totoo iyon. Totoo iyon."

Nagkaroon ng isang mahabaang katahimikan. Hindi ko siya maunawaan. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko bang nais niyang mamuhay ng simple. The idea was ridiculous, funny, in fact. Pero alam kong may pinaghuhugutan siya. Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Nakita ko iyon sa reaksyon niya habang dumadaan kami sa squater's area. Hindi siya nandiri, hindi siya nagmadaling maka-alis doon, bagkus ay nakita ko na tinitingnan niya ang sarili sa lugar na iyon, na may koneksyon siya sa maduming lugar na iyon. Na mas lalong nagpapagulo sa aking utak. Ano naman ang maaring koneksyon ng tulad niya sa mga mahihirap na tulad namin? Mahirap din ba siya noon? At ano iyong sinasabi niyang 'three-day quest of living a simple life?'" May mga tao ba talagang sa sooobrang yaman ay kasama na sa kanilang trip ang ganoon?

Pero ang totoo'y humahanga rin ako sa kanyang adhikain. Hindi ko man alam kung totoo ang sinasabi niya, hindi ko man alam ang kanyang dahilan, kahanga-hanga pa rin ang gusto niyang mangyari. Kung ganoon lang sana ang ating mga opisyal sa bansa. Kung paminsan-minsan ay baba rin sila sa kanilang trono, makikipamuhay sa mga mahihirap, at aalamin kung anong klaseng buhay mayroon sila, marahil ay maiintindihan nila kung anong klaseng tulong ba ang kanilang maiibibigay. Pero hindi eh. Kadalasan, kapag naroon na sila sa itaas ay hindi na nila nagagawang bumaba upang kahit paminsan-minsa'y sulyapan at alamin ang kalagayan ng mga taong pinangakuan nila ng magandang kinabukasan. Kinakain din sila ng kapangyarihan, ng pera. At habang naroon sila't namumuhay ng maginhawa sa itaas, nananatili ang karamihan na biktima ng baluktot na sistema. Kaya't masisi ba ang mga taong ito kung matagal nang nawala ang kanilang tiwala sa gobyerno?

"Tutulungan kita sa gusto mo Kuya. Pero, ipaliwanag mo muna kung bakit iyon ang gusto mo. Para at least, hindi ko iisipin na, nawawala ka lang sa sarili mo. And you can also start saying things about you. Hehe. Hindi pa nga lumulubog ang araw, alam mo na ang lahat saakin. Samantalang ako, wala man lang alam tungkol sayo." I asked, controlling my voice...

I was always aching to know more about him.

"Mahirap ipaliwanag Cody. Hindi ko rin alam kung maiintindihan mo ang kalagayan ko. I just…I just don’t want to lose myself. You know, when you’re up there…like you said, at the top…you forget the most important of things. When you almost have it all, the most relevant of things somehow appear pointless. Ayokong mangyari iyon saakin. Ayokong lamunin ng kapangyarihan at ng pera. Ayokong maging tau-tauhan sa gusto nito. Kaya, I decided to take this vacation as a chance para hindi ko makalimutan ang totoong mundong mayroon tayo. Ang weird, alam ko, pero ---“

“Naiintindihan kita Kuya…I understand your reason.” I smiled at him. Mas lalo lamang tumaas ang aking paghanga sakanya. There was sincerity in his eyes, he sounded so pure and sincere in his craving to experience this life and not lose himself in money and power. That was enough to convince me…Though I can’t still fully understand everything. I trust his words. That was enough.

Nagulat na lang ako nang ngumiti rin siya ng pagkaganda-ganda, and he pulled me in for a hug. Niyakap niya ako at saka hinaplos-haplos ang aking buhok. Siyempre, ramdam ko naman ang kanyang muscle sa braso at ang kanyang maskuladong dibdib. Ewan ko ba. My heart was beating so loud and fast that time, it was as if the whole universe revolved around the two of us, and the two of us only. Wala akong ibiang naririnig kundi ang napakalas na pagtibok ng aking puso, na sinisigaw ang pangalan niya. It was too loud that I fear he would hear it.

“So ibig sabihin, pwede mo na akong tulungan?” He asked, still not letting go of me.

“Oo naman Kuya. You can stay sa apartment na tinutuluyan ko if you want. If that’s okay.” Ang sabi ko naman. Though I doubt kung matatagalan niya ang init doon.

“Really?! That’s perfect! Kung tutuloy kasi ako sa hotel, wala ring silbi. Wala ka bang kasama sa apartment niyo?”

“Wala. He left last night.” I said, referring to Andrey.

Naalala ko ang naging pag-uusap naming kagabi.

“Tol, uuwi muna ako sa Bicol,” He said habang kumakain kami. Napatingin naman ako sakanya.

“Diba finals na sa Tuesday? Bakit ka uuwi?” I wondered.

“M-may nangyari kasi sa bahay. N-namatay ang isang katiwala ng tatay ko,” His voice was feeble, I can feel the sadness in it. Marahil ay importante sakanya ang namatay na iyon. That would explain kung bakit parang may malalim siyang iniisip sa school. There was something in his eyes too that says he is struggling over something.

“Ganun ba…P-pero, makakahabol ka ba para sa exam?” Ang tanong, stopping myself from eating.

“Oo. Tatlong araw naman ang bakasyon mula bukas dahil walang pasok sa lunes. I’ll just take a plane pabalik dito. At habang wala ako, ikaw na muna ang bahala dito sa apartment ha?” He said.

“O-kay. Gusto mo tulungan kita mag-impake?” Ang sabi ko. Ngumiti naman siya at umiling.

“Nakapag-impake na ako kagabi,” He said. He said it in a way na parang may gusto pa siyang sunod na sabihin.

“C-cody…Ang totoo’y ayaw ko pang bumalik saamin,” He admitted, looking down at his plate.

“Ha? Bakit tol? Anong problema?”

“M-may isang tao kasi doon na ayaw ko pang makita.” He half-smiled at saka umiling. “Na ayaw ko nang makita.”

“Oh…” I muttered. “Sino?”

“A special person,” Ang tanging sagot niya.

“Bakit? May nangyari ba? Siguro nasaktan ka niya ng masyado sapat na para ayaw mo na siyang makita.”

“Ang totoo’y tatay niya ang namatay. Isa kasi iyon sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ni papa sa lupain naming. Kaya pinapauwi ako. And besides, malapit din naman saakin ang tatay niya,” Huminga siya ng malalim. “I just don’t know what to do kapag nakita ko ang taong iyon. Ang sugat na ibinigay niya saakin ay masyado pang malalim para madagdagan ulit. Hindi pa ako handa. And besides, nagmo-move on na ako. I’m afraid kapag nakita ko siya, the old feelings would come rushing back.”

I wondered who the person is, and what has she done para saktan si Andrey. Alam kong hindi basta-basta ang sinasabi ng kaibigan ko dahil nakikita koi yon sa kanyang mata. His eyes were shining, at habang iki-nikwento niya iyon saakin ay nakikita ko rin ang pagnanais niyang bumalik sa kanilang bayan sa Bicol.

“Ang maipapayo ko lang tol, umuwi ka pa rin. Aside sa pagrespeto sa patay, there’s no point in running away from the past. May kasabihan nga diba, ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Ano man ang nangyari noon, you should face it. Try to acknowledge the fact that it has ended. And whoever that person is, wala na siyang kontrol kung uuwi ka o hindi. At saka, naging parte din siya ng buhay mo. Alam mo na, in some way, kailangan mo pa rin siyang pasalamatan dahil isa siya sa humubog kung sino ka man ngayon. You can’t really run away from it forever. At saka, seeing from how you said it, it seems like hindi pa kayo nakapag-paalam ng maayos sa isa’t-isa. Pag-uwi mo sa Bicol, you can close the book of your story na. So, be strong, and face your own shadows. Kaya mo yan.”

Ngumiti siya sa aking sinabi.

“Sige tol. Uuwi ako. Tatapusin ko na ang lahat. At magsisimula na ang ikalawang libro ng aking buhay. Haha. Drama natin! Kain na nga tayo.” He also said.

Tahimik.

“Teka, ano pangalan nung sinasabi mong malapit sayo na namatayan ng tatay na tagapangalaga ng lupain niyo?” Curious kong tanong. Tumingin siya saakin, wari’y nagdadalawang iisipin kung sasabihin ba o hindi. Pero,

“Liam. Liam ang pangalan niya.” He whispered in a low, sad voice.



“Huy!” Ang sabi ni Kuya Al saakin. “So, saan tayo pupunta?”

Tiningnan ko siya ng matagal.

“Ah.” I stammered. At saka itinuro ko sakanya ang daan patungo sa aming boarding house.

While on the way, I didn’t utter a single word.

I was planning on how to make this three day vacation of his, just…perfectly simple.


Break Shot [True Ending]





Binuksan ko ang bag, at saka naupo sa aking munting study table sa bago kong boarding house. Kinuha ko doon ang aking binder pati na rin ang pagkakapal-kapal na libro ng Chemistry.



Kakaibang saya at excitement ang aking nararamdaman. Matapos ang mga nangyari saakin sa aking murang edad, heto ako't nag-aaral na sa aking dream university. Sa pangalawang araw nang pagpasok ko, wala akong dala dala kundi ang inspirasyon na mag-aral ng mabuti at maka-graduate sa pinaka-matandang unibersidad sa Pilipinas. Sa bawat pagpasok ko ay wala akong ini-expect na kung ano. Kung ano ang mangyayari ay mangyayari. May mga lumalapit para makipag-kaibigan, para makipag-kilala, para maging bahagi ng college life ko. Magiliw ko naman silang tinatanggap. Mabenta pala ang mukhang ganto sa lugar na iyon. Ngunit i'm much aware din sa dapat kong gawin. Mag-aaral ako ng mabuti, sa abot ng aking makakaya, dahil sa tuwing naalala ko ang ipinang tuition saakin, kinikilabutan ako. Hindi ko na sasayangin ang ganitong oportunidad.



Sinimulan ko nang basahin ang libro na puno ng interes. Kahit na hindi ko gusto ang chemistry, i will try to love the subject. It is the only way i know para maipasa ko ang subject na karaniwang dahilan daw ng pagbagsak ng mga Tomasino.



Nasa ganoon akong kaseryosohan nang may matanggap akong mensahe mula sa isang number na wala sa contacts ko.



At ito ang sabi.



"Tuluyan na kitang pinapalaya Andrey. Patawad. Ngunit hindi ko kayang maghintay ng apat na taon sa iyo. May sarili akong buhay na dapat tahakin. At mayroon ka din. Ang pagkakaiba lamang ay mas maliwanag saiyo, mas malawak, mas masagana. Ikaw ang nagsabing ipagpatuloy ko ang aking pangarap at mag-aral ng kolehiyo. Ginawa ko iyon. May mga kanya-kanya na tayong landas Andrey. At habang tinatahak mo ang iyo, siguradong malilimutan mo rin ang ako. Ang buhay na naghihintay saiyo diyan ay buhay na hinding hindi ko mararanasan. At sa bawat araw na tinutupad mo ang iyong pangarap, at tinutupad ko din ang saakin, mas lalong naglalayo ang pagitan saating dalawa. Masaya ako para sa iyo. Sana'y ganoon ka rin saakin. At may dapat kang malaman...Kami na ulit ni Leah. Narito siya, sa tabi ko, sa oras na ito, sa iisang kama. Number niya din ito. Liam."



Nawindang ako, nanlamig ang kalamnan nang mabasa ang mensahe. Isang bagay lamang ang pumasok sa isip ko: hindi dapat ako maniwala dahil hindi ako sigurado.



Wala sa sariling pumunta ako sa tindahan, at sa unang pagkakataon pagkapunta ko sa Maynila, nagpaload ako para tumawag. Tinawagan ko ang numero, at si Leah nga ang sumagot.



"oh, Andrey? Napatawag ka? What a surprise!" She said na parang bagong gising.



"Pinagloloko mo ba ako! Bakit ka nagtext ng ganoon!" Ang sabi ko agad dahil sa galit.



"Anong text? Ikaw nga jan ang biglang tatawag tapos pagbibintangan mo akong nagtetext sayo?!" Ang sabi niya rin. Mas lalo akong nagalit at kinabahan.



"Nandiyan si Kuya Liam?" Tanong ko, mahina ang boses.



"O-oo...sa cr. bakit?" Tanong niya naman.



"Paka-usap nga kung talagang anjan siya!" Bulyaw ko.



Maya maya ay narinig ko si Leah na tinawag si kuya.



"Liam ginamit mo ba ang cp ko? Nagtext ka ba kay Andrey? Galit na galit ah." Narinig kong sabi niya kahit nilalayo ang boses. "Kausapin ka daw."



Nanghina ang tuhod ko nang marinig iyon. Kung ganoon, kay Liam nga galing ang text.



"H-hello? Tol..." pasimula niya.



Tinigil ko ang tawag nang marinig ko ang boses ni kuya. Nabingi ako, kahit walang ingay sa boarding house na iyon. Inilagay ko muli ang kamay sa aking puso, at naki-usap na wag masaktan.



Ngunit katakut-takot na panlulumo ang aking naramdaman ilang segundo matapos iyon.



Ang sabi ni kuya saakin nang pag-uwi ko nang Bicol two weeks ago, cool off muna kami upang maka-focus sa mga pag-aaral. Ito na pala ang ibig niyang sabihin.



There is no such thing as happy endings. Ang pagtatapos ng BS ay pagtatapos lamang sa parteng akala ko'y okay na ang lahat. Ang mga happy ending ay pagputol lamang sa bahaging masaya na ang mga tauhan, at nalagpasan na ang pagsubok. Ngunit kapag nagpatuloy ang mga kwento, sa pelikula, sa libro, sa mga akda, may mga bagong pagsubok na namang kahaharapin. Pinutol lamang sa bahaging akala natin ay okay na ang lahat.



So hindi pala happy ending ang Break Shot. At marahil, ito na rin ang totoong ending.



Wakas.

Sunday, September 2, 2012

Mirror Fragments [1]



                               Author's Note:

Una sa lahat, Sorry. Sorry po dahil napakatagal na delayed ang pagpost ko ng Mirror Fragments. Nawala lang talaga ako sa sarili simula ng pag-uwi ko sa Bicol, at marahil nga pag-uwi ko doon ay nadala ko ang inspiration sa pagsulat, pero pagbalik ko dito, naiwan ko na doon. Iyon po ang dahilan kung bakit wala talaga akong inspiration these days. Pero, thanks God at sa mga taong nag-encourage saakin, dahil eto na po ang Episode 1. Sorry about that too, kasi I remember promising na 3 Chapter na ang ipopost ko, pero eto lang po ang nakaya ng powers ko eh. Hehe

And again, dahil nga on and off ang inspiration ko, medyo may slight differences sa pagsusulat ko. Ewan ko po kung mapapansin niyo pero, you'll notice na may mga times na nagiiba ang writing style ko, or yung narration kumbaga. Dahil yun sa mga mood swings habang ipinagpapatuloy ko ang pagsulat after a week or two. Ewan. I just keep losing it. Pero anyway, the thing is, nandito na po ito. :) Cheers for that!

Greetings!
Salamat kay Ate Aronn Tolentino Reyes, dahil talagang hindi niya po ako iniwan, at kahit hindi ako magonline ng isang linggo, nakakabasa pa rin ako ng message sa wall o inbox ko mula sa kanya. I love you ate aron! Muah! Haha. 
Kay Kuya Marlon Miguel Alves, dahil hindi niya rin po ako tinigilan, at laging nangungulit at nagbibigay payo. Salamat talaga po!
Ganun din po kay Kuya Ken sa pagtulong sakin sa pagconstruct nitong unang Chapter. At sa mga payo ding very helpful.
 Thanks din po kina Sir Mike, Alvin Ferrer (pagaling ka po!), KF Ybanez (muah kuya, muah!) Edwin Tabalanza(thanks sa inspiration kuya!)  , Archivald C. Zaguirre (<3), Chris Evans.
Kung may di man ako nabanggit, tell me! Please!
At sa mga sumusuporta din saakin ng lihim at sa malayo, I give my heart to you. Sana po maibalik ko man lang ang suporta at pagmamahal ninyo by giving you joy to thru this story. Sana po ay mahalin niyo din ito tulad ng Break Shot; mapatawa, mapaiyak, mapa 'L', at siyempre, mainspired. 

Marami din pong pwedeng hindi na makatotohanan (fiction, eh) or kulang sa truthfulness (fiction, eh), kulang sa supporting facts (fiction, eh) kulang dito, kulang diyan. Just tell me po, I'll try to improve. :D Since then po first attempt ko ito sa fiction, sana naman wag masyado hard sa criticism ah, (constructive man yan or pure bully) cause they just pull me down....But I will rise, anyway! I will try, really, really  try to learn from it.

Enjoy guys!

                                     Prologue : 

Bagamat 18 na ako, naniniwala pa rin ako sa mga fairytales. Hindi naman dahil nasa akin ang isang sapatos ni Cinderella, hindi dahil sa nakatira ako sa kubo ng Seven Dwarfs, hindi rin dahil isa akong gamit sa kastilyo ni Belle, o kaya ay isa akong sirenang gustong magkaroon ng paa tulad ng the Little Mermaid.

But I still believe in the essence of these fairy tales. I believe one day i might meet my very own prince charming. Naniniwala pa rin akong darating ang aking fairy godmother na magliligtas saakin sa aking evil ''stepmother' at sa mga anak nito.

Marahil iyon ang pinaka dahilan kung bakit naniniwala pa rin ako sa mga fairy tales...dahil tulad ni Cinderella, i have my own evil mom and mean brother and sister. I was five years old when my dad, the only person in our 'family' who showed me warmth, started reading to me a collection of Disney books before i go to sleep.

Isa lamang akong ampon, si tatay Gildo ang kumuha saakin sa bahay ampunan. The moment daw na i looked at him with my deep, round eyes, alam niya nang kailangan niya akong ampunin.

When he brought me into his home, naroon na ang kanyang dalawang anak at ang nanay nito. Nanlaki ang mata ni nanay Esmeralda noong makita ako, at bago pa niya masabing anak ako sa labas ni tatay Gildo, dinala na siya nito sa kusina at doon pinaliwanag kung sino at saan ako nanggaling.

Hindi ko rin alam kung bakit ako kinuha ni tatay despite the fact na dati na siyang hirap na buhayin ang sariling pamilya. At dahil nga dati na silang naghihikahos, pabigat ang tingin saakin ng kinalala kong nanay samantalang kaagaw naman sa pansin ni tatay ang tingin saakin ng dalawa kong magiging kapatid.

My childhood was a nightmare kapag wala si papa. I was deprived of my right to play, at laging inuutusan sa mga gawaing bahay.

"Katulong ka dito, ha! Tandaan mo yan! Hindi ka namin anak, hindi ka pamilya dito, kaya magtatrabaho ka kapalit ng pinapalamon namin sayo!" Ang mga salitang tumatak sa isip ko na sinabi ng asawa ng tatay ko. Tinuruan niya ako ng mga gawain sa bahay tulad ng mag plantsa, mag-igib, magluto, maglinis, name it. At kapag nagkakamali ako, kinukurot ako na lagi nagiiwan ng marka, o kaya pipingutin ang buhok ko sa may tenga, at kapag nasusunog ang polo ni tatay, hindi ako pinapakain. Sa edad kong pito, isa na akong munting muchacha sa lugar na iyon.

The only days na nakakatakas ako sa malupit na trato ay tuwing Biyernes, na time ng pag-uwi ni papa galing sa trabaho. Alas siyete pa lang pinapatulog na ako ni nanay Esme para hindi ko na maabutan si tatay, pero minsan, lumalabas pa rin ako ng kwarto at hinahanap si papa.

Marami ding gabing pumapasok si papa sa aking kwarto at ako'y binabasahan ng mga kwento. Hanggang sa isang gabi, binasa niya saakin ang kwento ni Cinderella.

"Totoo ba si Cinderella tatay?" Tanong ko matapos siyang magbasa. Ngumiti siya saakin.

"Hindi anak eh. Tulad ng mga binabasa ko sayong kwento, kathang isip lang siya." Ang paliwanag niya.

"Ahh...sayang naman. Gusto ko sana tay totoo siya." Ang sabi ko innocently.

"Bakit naman?"

"Wala lang." Ang totoo'y nakakarelate ako dahil sa pagpapahirap saakin ng nanay ko't mga kapatid.

"Alam mo anak, hindi na mahalaga kung totoo si Cinderella o hindi. Ang mahalaga doon, matutunan mo yung esensya. Wag ka lang mawawalan ng pag-asa, at darating din ang ginhawa na nakalaan para sayo."

Nang mga oras na iyon ay hindi ko pa naiintindihan ang mga sinabi niya. Ngunit sa paglaki ko, iyon na ang pinanghuhugutan ko ng lakas.

"Kung ganon tay darating din ang Prince Charming ko?" I said happily. Tumawa si tatay ng malakas.

"Ikaw ang prince charming, Cody. Hindi ka si Cinderella, babae si Cinderella. Lalaki  ka." Paliwanag niya habang tinatapik ang ulo ko.

Kinabukasan ay nag family outing kami. Nang naliligo si tatay ay sinabihan ako ni nanay na umarteng may sakit at wag sumama. Pero siyempre, hindi ako pumayag. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil alam kong isasama ako ni tatay kahit anong mangyari. Kinurot ako ni mama sa tagiliran pero tiniis ko na lang at hinintay si papang matapos maligo.

Dahil nga bata, dala dala ko ang maliit na librong Cinderella ng araw na iyon. Naging paborito ko agad ito, at sa murang isipan, umasang balang araw ay mayroon din akong sariling happy ending.

Namasyal kami sa isang amusement park. Sa tagal ng panahon ng paglipat ko sa bahay ni papa Gildo, doon ko lang naenjoy ang pagiging bata. Siyempre si papa lagi ang kasama ko. Nang kumain kami sa Jolibee, sinabi niyang mayaman na kami. Halos nagtatalon si mama sa upuan at pinaghahalikan at niyakap si papa. Nagpabili naman agad ng kahit anong laruan ang mga anak nito. Successful daw yung isang project ni papa, at dahil doo'y napromote siya. Ang totoo'y matagal na daw siyang napromote, ngunit nag-ipon lang siya at naghanda para sa araw na ito na sasabihin niya nang mayaman na kami.

"Ikaw Cody, anong laruan ang gusto mo? Pili ka rin." Kunwari mabait na sabi ni mama. Ngunit ang tingin niya ay matulis at nagsasabing 'subukan mo!'

"W-wala po." Ang sabi ko, kahit nangangati na ang kamay na mahawakan ang isang babasaging bola na may tubig at kastilyo sa loob. Gusto ko ang laruan iyon dahil inisip ko na baka ganoon na ang tirahan ni Cinderella at ng kanyang prinsipe.

Siguro'y nahalata ni papa ang pagtitig ko sa mababasaging display, kaya nagulat na lang ako ng kunin niya ito  at saka lumuhod saakin.

"Cody, ibibigay to sayo ni Papa ah. Ingatan mo, at wag mo lagi paglalaruan dahil madali iyan mabasag." Shinake niya ito and the glitters inside the glass ball scattered unevenly. Inabot niya ito saakin. "Tandaan mo love na love ka ni papa."

Niyakap ko siya at saka  pinasalamatan. He's the best thing that ever existed. Hindi ko na kailangang hanapin ang totoo kong magulang, at titiisin ko na rin ang pagpapahirap saakin ng aking kinagisnang pamilya. Basta't hindi mawala sa akin si papa.

Ngunit sadyang madamot marahil ang tadhana.

Pauwi na kami noon, masayang hawak hawak ko ang bolang babasagin at habang kami'y tumatawid, hindi ko namalayang nahulog ang libro ni Cinderella na inipit ko sa aking tagiliran.

Nakatawid na kami nang maramdaman kong wala saakin ang libro. Hinanap ko ito, lumingon, at nakita na nahulog sa gitna nang kalsada. Isa lang ang pumasok sa isipan ko: mahalaga ang librong iyon. Kung kaya't walang pasabing pumunta ako sa gitna ng kalsada upang kunin ito.

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Before i knew it, I lost my father. I was left chasing my dreams, and clutching my Cinderella story in my hand, alone.

Nang mamatay si papa dahil sa pagligtas saakin, mas lalong sumiklab ang galit saakin ni nanay Esme at ng mga anak nito. They accused me of driving away their hopes of a good fortune. Kasalanan ko ito, kasalanan ko iyan. Lahat ng panlalait, lahat ng pang-aalipusta, lahat ng pagpapahirap, lahat ng pagmamalupit...lahat iyon ay buong puso't pagkataong tinanggap ko.

Dahil hanggang sa ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili sa pagkawala ng tanging taong nagbigay saakin ng pagmamahal at kalinga.

But i didn't stop believing in fairy tales.

-----------------------------------------------

Chapter 1 -   The Boy Who Believed

I started out another normal, normal, exciting day with my life. Here i am, strolling the streets, humming a lullaby, looking at the skies, walking under the falling leaves of cherry blossoms.

Teka, take two.

I started out another boring day with my life. Here i am, riding my bike early in the morning, naghahatid ng mga diaryo sa mga convenience store. Naghihikab, hindi pa nag-aalmusal, kailangan pa maligo, alas siyete pa  ang pasok.

I try hard to be an optimist, you know. Gusto ko lagi positive, carefree, pasipol sipol...Ngunit minsan, truth and reality just keep hitting me. Pwede bang mas madali ang buhay? Yung nasa loob ka lang ng isang mala-palasyong bahay...may taga-luto, taga-laba, taga-linis. Okay din kung may magpapaligo sayo, may taga toothbrush, at taga bihis. (pero ako na lang magsusuot ng underwear.)

Hayy.

Nevermind.

Kelangan ko na mahatid lahat ng diaryo bago pa ako malate sa school. At saka kelangan ko pa pala maghanda ng almusal para sa mga step-mother,-brother, and -sister ko. Magpi-prito na lang ako ng itlog. Mas realistic pa yun.

Matapos ko magluto ay dumiretso ako sa cr para maligo. Ganitong oras ng umaga ay napaka-saya ko at minsan nga, sumasayaw sayaw pa ako. Bakit? Dahil bwelo akong gumalaw sa buong bahay samantalang humihilik pa ang mag-iina. Pero kapag nandiyan na sila, back to 'goodboy' mode na naman si Cody Cleton.

Teka....Cody Cleton? Ako ba talaga yun? Hindi ko rin alam. Ang apelyidong Cleton ay matagal nang gustong alisin saakin ng aking stepmom. (Ako rin naman, gusto ko na alisin, kung hindi lang kay papa) Ang pangalang Cody naman ay bigay pa saakin ng mga madre sa ampunan.

So sino nga ba ako? San ba ako nanggaling?

Walang nakaka-alam. Hindi ko rin alam.

Matapos ihanda ang almusal ay isa-isa nang nagsibangon ang aking mga amo. Mysteriously, kapag natatapos na ako magluto ay saktong oras na lagi silang bumabangon o lumalabas ng kwarto. Marahil ang halimuyak ng aking niluluto ang gumigising sakanila. Hindi naman sa nagmamalaki, masarap at magaling daw ako magluto sabi ng mga kaibigan ko at sa mga bisita ng bahay na nakakatikim ng aking mga luto. Sa tagal ba naman ng panahon na ako ang tagaluto ng bahay, hindi pa kaya ako magiging bihasa sa larangang iyon? (Pati na rin siguro sa paglalaba, paglilinis, etc.). Kaya nga kapag mainit ang ulo ng aking stepmom, o kaya kelangan ko ng konting pandagdag sa aking panggastos, nagluluto ako ng ubod na sarap na ulam para makundisyon na siya sa aking sasabihin. Ngunit bago ko makuha ang nais ko, kelangan muna ng mahabang ritual kung saan ang pagluhod ay isang birtud. Nakakairita man, nasanay na ako sa mga lumilipad na kawale o kaya pinggan sa tuwing hihingi ako ng pabor sa pamilyang ito, lalo na kapag may perang kasama.

“Marami ka pa ngang utang saamin, hingi ka pa ng hingi!” Ang laging sinasabi ni nanay habang walang kontrol na nagsisilabasan ang mga usok sa mga butas ng kanyang ilong. Para siyang si Majinboo sa tuwing ako ang may kailangan. Samantalang sila, kapag may kailangan, buong puso’t kaluluwa kong ginagawa at binibigay sakanila.

Pero ayos lang. Malapit ko na rin naman mabayaran ang utang na iyon.

Matapos magligpit ng kinainan ay tumungo na ako sa aking munting kwarto. Dati itong imbakan ng mga hindi na ginagamit na gamit sa aming bahay noong buhay pa si papa. Pero nang mamatay siya, pinalinis iyon saakin at saka doon na ako pinatira. Hindi naman kawalan o kasawian ang kwarto kong iyon. Katunayan, ang kwartong iyon ang isa sa mga pinakamagandang nangyari saakin sa bahay na ito. Isa kasi itong attic, at may bintanang pwede ko silipan sa labas. Kaya okay na rin saakin ang tumira doon.

So iyon na nga, umakyat ako sa aking kwarto at naghanda sa pagpasok sa paaralan. Matapos maligo, pinagmasdan ko ang taong nakatingin saakin sa harap ng salamin. Naalala ko noong bata ako, nagigi akong taga-agaw ng atensyon saan man magpunta dahil sa kakaibang ayos ng aking mga facial features. Hindi sa nacu-cutan sila saakin, kundi upang pagmasdan ang weird kong hitsura. Noong bata kasi ako, medyo wavy and aking buhok, malalaki at bilog ang mata, matangos ang ilong, at nagmamalaki ang mga labi. Kaya naman, kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang ako, nagi nang usap usapan sa mga madre kung saan ako galing at anong lahi ba ang aking mga magulang. Ngunit sa awa ng Diyos, unti unti namang nagbabago ang hitsura ko habang ako’y lumalaki. Hindi na gaanong kulot ang aking buhok, at hindi na rin gaano kahalata na bilog at malaki ang aking mga mata. Bumagay na kasi ito sa aking mukha, na noo’y maliit pa kaya hindi proporsyon tingnan.

At sa kasalukuyan kong hitsura ngayon, masasabi kong pwede ko na rin itong ipagmalaki. Napapadalas na kasi ako may marinig na sinasabing ang cute ko raw. At hindi ko rin alam kung kelan pa, pero ang wavy kong buhok ay bumagay na sa mukha ko. Masyado na kasi itong mahaba, kaya naman para tuloy akong isang Korean male artist na may mahabang buhok. Parang si Ji Hoo ng Boys Over Flowers.

Umangkas na ako sa aking bisikleta at tumungo na sa Unibersidad ng Santo Tomas. Im studying second year nursing here as my pre-med, at kung papaano ko nagawang makapasok rito, is something else. Ganto kasi yon.

One and a half year ago, nagdesisiyon si Kuya Allen at Ate Melissa na mag take ng entrance exam sa UST. Siyempre todo support naman ang kanilang nanay. At ako, dahil UST talaga ang dream university ko, ay humiling ding mag exam sa nanay nanayan ko. Pinayagan ba ako? NO. Siyempre. Tiningnan lang nila ako ng masama, at pagkadaka’y sabay silang tatlong tumawa ng pagkalakas lakas.

“Ni hindi mo nga mapakita ang mga grades mo saakin dahil sa kabobohan mo, gusto mong subukang magexam sa ust? Cody naman…gutom lang yan! Dun ka na lang sa kusina, magluto ka ng magluto. Wag ka na mangarap na makapag-aral sa kolehiyo. Sakit sa ulo ka na nga noong high school ka, makikipagsabayan ka pa sa mga pinakamamahal kong anak! Gumising ka nga.” Ang tuloy tuloy na sabi ng aking ‘nanay.’

“Wag ka mag-alala bro, gugupitan na lang kita mamaya. May bago akong design para sa damuhan mo sa ulo. Hahaha.” Ang sabi naman ni Kuya Allen.

“Cody, plantsahin mo ng maayos yung isusuot ko sa araw ng exam ha. Kelangan walang gusot. I want to lookalike the finest girl in the full campus of ust. I want to look gorgeously so all boys crawling to get me!” Si Ate Melissa with her misused English na ewan kung saang kanto kanto napulot. Iyan kasi ang nangyayari kapag pinapag-aral ka tapos puro boyfriend at cutting class ang ginagawa mo.

Siyempre, naasiwa naman ako sa inasal nila. Hindi naman sa bago ang gantong eksena sa bahay na ‘to, pero, pangarap ko talagang makapag-aral ng kolehiyo. I don’t want to be stuck in this place with these arrogant people. May sarili din akong pangarap, pangarap na tutuparin ko kahit anong mangyari. At kung sakaling hindi nga ako makapag-aral sa ust dahil sa mahal ang tuition, at least man lang makakuha ako exam para malaman ko kung karapat dapat naman ako sa pangarap ko.

At saka, hindi ako bobo. Katunayan, ako ang valedictorian sa klase namin. Ngunit hindi iyon alam nina tita dahil hindi ko sinasabi sakanila. Mula pa noong elementarya, hindi nila alam ang sandamakmak na parangal na natatanggap ko sa aking paaralan. Lahat ng medal at certificates ko kasi ay nakatago lamang sa ilalim ng aking kama. Sa awa uli ng Diyos, wala namang nagsusumbong sa nanay ko na may natatanggap akong parangal dahil halos buong baryo ay alam ang trato saakin ng aking nanay. Alam rin nila ang posibilidad na hindi na ako papag-aralin kung magkataon. Ang mga kapatid ko naman ay sa private school nag aaral kaya wala rin silang alam sa whereabouts ko.

At para siguro hindi talaga ako makapag-take ng entrance exam, kinulong ako sa bahay sa araw ng exam. Pero siyempre, alam ko nang mangyayari to. Kaya naman nang naiwan ako doon, binasag ko ang alkansya ko habang ini-imagine silang tatlo, at saka binilang ang ipon. I have more than enough para sa exam fee. Kinuha ko ang notebook kung saan ko sinulat ang mga schedule of exams, at hayun, nakapag-exam ako sa ibang araw.

Yung result?

“Hindi ako nakapasa. Bad trip.” Si Allen.

“Hindi ako nakapasa Ma!” Ang sabi ni Melissa sabay yakap sa nanay para iwas palo. “Pero that’s okay mama. Because I will just trying in many etc. school, like FEU, AMA! Right mama?”

Nang gabi namang iyon, hindi na ako makapag-hintay buksan din ang result na naipadala saakin. At noong mabasa ko iyon, abot langit ang aking kasiyahan. Lalo na nang malaman kong may scholarship para sa valedictorians.

Hindi ko rin alam kung paano ko nasabi iyon sa mga kasama ko sa bahay. Basta noong malapit na ang pasukan, habang kumakain kami ng specialty kong sinigang , sinabi ko sakanila na mag-aaral ako sa ust. Nagkaluwaan ng mga subong kanin at sabaw nang pasabugin ko ang bombang iyon, at ilang linggo rin akong natulog sa labas ng bahay.

Nagmadali akong nagbihis at agad muling umangkas sa aking bisikleta papunta sa paaralan. Malapit lang naman kasi iyon saamin. Siguro 15 minutes ng pagbibisikleta with maximum traffic.

Pero nang dumating ako sa aming room ay 15 minutes din akong late.

“Cody, ba’t late ka sa first subject natin?” Tanong saakin ni Chinny nang break time sa medicine cafeteria.

“Sus. Nagtaka ka pa. Bago ba yan?” Sarcastic na sagot ni Andrey sabay subo sa hotdog sandwhich niyang binili.

“Alam niyo na. hehe. Overtime sa work.” Ang sabi ko naman sa dalawa habang sinasagutan ang assignment namin sa Math.

“Why don’t you just leave your mother’s house? Masyado ka Cody ah. Nagpapaka-30 years old ka na sa pagtrabaho sa restaurant na yon tapos ibibigay mo lang sa nanay mo. You deserve an award for that.” Ang sabi ulit ni Chinny.

“Anong award naman yan, Chinny? All-time martyr award? Best-time-management-but-no-time-for-himself award?” Si Andrey ulit, maintaining sarcasm in his tone.

“Grabe naman kayo. Eh kung umalis ako sa bahay noon pa san ako pupulutin ngayon?” Ang sabi ko lang. Pilit ko mang takasan ang ganitong topic namin, lagi naman binubuksan ng dalawa kong pinakamatalik na kaibigan. Ang dalawang taong nagsisilbing mga gabay ko’t katuwang. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit nagawa kong magsurvive gano man kahirap ang course ko.

May mga nagsasabi saakin sa lugar namin na sayang daw kung nursing lang ang kukunin kong course given na scholar ako. Napakarami na daw nurse sa buong mundo, at wala namang masyadong job opportunity lalo na sa Pinas. Pero ewan ko rin sa sarili ko kung bakit nursing pa rin ang pinili ko despite the fact na kelangan ko ng trabahong mag-aangat saakin sa lusak na kinalalagyan ko ngayon. Pero nursing has really been close to my heart ever since my father died. At that time, foolish as it was, i was blaming the doctors and nurses for not doing their best when my father was sent to the hospital after that incident. Hindi nila inuna ang tatay ko kahit nababalot na ito ng dugo at naghihingalo. At siyempre, sa murang isipan ko naman, nagkaroon ng galit sa mga nurse at doktor na dinadaanan lang kami at ang duguang katawan ni papa. Pero, dahil na rin sa nature kong maging positive, hindi ako nagtanim ng galit sa pagkukulang ng mga alagad ng medisina. Bagkus ay ipinangako kong magigi akong isang duktor na walang pinipintasan, walang pinipiling tulungan, at hindi naghihintay na mamatay na lamang ang isang pasyente.

At for your info ha. Hindi madali ang kusong nursing sa UST. Accredited kasi ng CHED ang College of Nursing ng UST bilang “Center of Excellence,” kung kaya’t lahat ng estudyante roon ay candidate for excellence din. At upang panindigan naman ang titulong iyon, siyempre mataas talaga ang standard at quality ng pagtuturo sa aming college. May cut-off din ang first year. Puspusan talaga ang mga lesson at mga duty para sa araw na mag-graduate kami, siguradong proffessional ang level namin. Kaya naman whenever someone hears na graduate ito ng UST College of Nursing, their jaws would drop, at titingnan ka nila ng nakanganga while saying “i adore you for surviving nursing.” Kaya sino makakapagsabing madali ang course ko at hindi karapatdapat tingalain? Eh kung sa bawat ospital nga marinig lang na graduate ka ng nursing sa ust ay alam nilang mahusay ito’t maayos ang pagkakahulma. Pero siyempre, ang kapalit naman ay walang pakundangang sunugan ng kilay, ang walang sawang ‘sleepless nights’, at padaka-dakang pag-iyak habang nagsasabing ‘hindi ko na kayaaaa.’

Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko kina Chinny at Andrey. Kahit na mahirap ang magtrabaho habang nag-aaral ka, nakakahabol ako dahil sakanila. May mga araw at ilang subject na pinapatulog na nila ako sa medicine auditorium habang sila nama’y nag-aattend ng klase at pinag-iigihan ang pagnotes at pakikinig para turuan na lang ako pagkatapos kong magpahinga.

“Eh kasi naman, diba sabi ko noon pa na sama na lang tayo sa apartment ko? Hati tayo ng rent. Eh di sana hindi mo na kailangan magtrabaho para lang ibigay sa nanay mong nanay-nga-ba.” Si Andrey.

“Guys, uulit ko na naman ba kung bakit?” I asked.

“We know why Cody. It’s just that we still think that it’s not right. It’s not fair.” Ang sabi naman ni Chinny habang natingin saakin with a meaningful look.

“And as your friends, gusto namin malaman mo na you’ve done enough tol. Its time na sarili mo naman ang asikasuhin mo.” Ang tugon naman ni Andrey habang nakatingin din saakin.

I just smiled at them while thanking God for blessing me with such wonderful friends.

“Don’t worry guys, malapit na. Naalala niyo pa ba ang pinangako ko sa sarili ko regarding my own freedom?” Ang sabi ko naman.

Nanlaki ang mata ni Chinny at ni Andrey. Ngunit napalitan din agad ito ng ngiti.

“Two days na lang mga friends...Two days na lang..! Naamoy ko na ang kalayaan.” I said with joy.

At muli na namang natapos ang isa na namang araw sa buhay ko.

Dalawang gising ko pa mula ng araw na iyon, kaarawan ko na. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng paglaya. Ang araw ng pagsasarili. Ang araw ng pag-alis sa mahahabang kuko ng aking nanaynanayan. This is my 18th birthday...at mula ng magkaroon ako ng kamalayan at kaalaman sa karapatan ko bilang tao, ipinangako kong pagdating ng aking ika-labingwalong kaarawan ay papatawarin ko na ang aking sarili sa pagkawala ni papa. At kasabay noon, aalis na rin ako sa puder ng aking nanaynanayan at magsisimula nang mamuhay ng mag-isa. Hindi ko alam kung papaano at saan, ngunit pinaghandaan ko din ang araw na ito.

Happy birthday tol...Goodluck! Kaya mo yan! Break Shot! Ang text ni Andrey nang pumatak ang alas dose.

Go Cody boy! Its your birthday. The day of the days. Ang turning point ng buhay mo. Wag mo na palagpasin. And may the odds be ever in your favor! Si Chinny ilang segundo matapos dumating ang kay Andrey.

Night came too fast, but I still haven’t heard any form of greeting from anyone of the members of my family. I guess they didn’t even know the significance of the day. Would they even care? They really never cared. Especially for me. But I did, for them. I cared for them so much, I didn’t really care about myself. Pero panahon na para baguhin iyon. At ngayong gabi, simula ngayong gabi, sarili ko naman ang iisipin ko.

Busy silang lahat nang bumaba ako sa hagdan, dala ang aking maleta. I didn’t bring much, just a few things I can say I own. Ang unang nakapansin saakin ay si nanay. She made a sound, though I’m not sure if it was a grunt or gasp. Then after a second, shock was written all over her face.

“A-anong ibig sabihin nito?” She managed to ask at tinigil ang ginagawang paglalagay ng Eskinol sa kanyang mukha. Napalingon naman sa direksyon ng mata ng nanay nila ang dalawa niyang anak, at nabitawan ni Melissa ang hawak hawak na ballpen.

“C-cody! S-san ka pupunta?” Allen asked, his face questioning too.

“Magpapa-alam na po ako sainyo, ma.” I started. The speech for this night was already practiced a thousand times in the past, only that it was full of hate and upbringings. Pero ngayon, ang kagustuhan kong lumaya ay nangingibabaw. Besides, I don’t hate this family at all. I’ve always forgiven them for whatever extremes they did to me.

“Aalis ka?!” Mother said in utter disbelief. But the voice was taunting, as if I’m doing something foolish, or even hilarious. “Nagpapatawa ka ba Cody? Ano na namang pumasok diyan sa kukote mo’t bigla mo naisip maglayas. Umayos ka nga.”

“Seryoso po ako. Pero gusto ko po magpasalamat sa lahat lahat. Salamat at kahit papano’y naging parte ako ng pamilyang to. Salamat dahil hindi mabubuo ang pagkatao ko kung wala kayo. Pero kailangan ko na din hanapin ang sarili ko. Ang buhay na naghihintay saakin sa labas. Sana wag niyo nang ipagkait saakin ang kalayaan kong iyon.” Tumalikod ako at nagsimulang humakbang sa pintuan. Pero as I expected, they wouldn’t let me slip off that easily.

“At ano sa tingin mong sasabihin ng tatay sa gagawin mo?! Matapos mo kaming agawan ng ama, basta ka na lang aalis?!” Si Kuya Allen. Tinigil niya din ang ginagawa at tumayo.

“Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko? All my life I’ve been doing everything para sa inyong tatlo. Hindi pa ba sapat iyon?” I could hear the grief in my own voice. Despite na alam kong dadating sa ganitong puntong sumbatan, I still couldn’t help my tears. “Im old enough. Maari na akong magdesisyon para sa sarili ko.”

“Cody, anak,”

She called me her son for the first time, now that I’m leaving. To stop me from leaving. “Iyan ba, kaya ka ba aalis? Hindi ko naman nakalimutan na birthday mo. Ilang taon ka na nga? 18?”

For the first time I finally felt she was my mother. Although the words made me happy, it wasn’t enough to stop me from leaving. No words would be enough to stop me.

As I made another few steps on the door, I heard my mother made a faint cry.

“Paano na kami pag wala ka, Cody? Anong gagawin namin? Pano na kami?”

Totoo ba ‘to? My mother actually cried for me? If only her true intention sounded too obvious. She was only sorry for herself and her children. Of course, ano nga bang gagawin nila kung wala ako. Kung wala ang kanilang all around katulong.

“You’ll survive.” Ang sabi ko lang as I reach for the door. I was expecting any violent act, pero nakalabas naman ako ng bahay nang walang kamlot. It actually went easier than expected.

I walked the along the silent streets, tightly holding my baggage. I was thankful of the dim lights illumining the streets for hiding my tears. The night welcomed me with a different atmosphere. I felt like I own the world. Iyong tipong kahit ano pang gawin ko’y wala nang huhusga saakin, walang magdidikta ng aking kilos. Sa wakas magagawa ko na ring mabuhay nang para sa sarili ko. Mahirap man, hindi ko man alam kung saan magsisimula, ang tanging nasa isip ko lang ay kung papaano lulubusin ang bagong kalayaang ito.

__________________________________________________________________

Three days ago, I was a merry young man, dancing in the streets, enjoying my newfound freedom. Pero ngayon, it felt like the whole world fell down on me. Nadisqualify ako sa scholarship dahil hindi ko na-meet ang qouta. Napabayaan ko ng kaunti ang pag-aaral dahil sa masyadong busy sa trabaho.

“Pano na yan...huhu. Finals na natin. Hindi ako makakapagtake ng exam kapag hindi ako nagbayad.” Ang pag-iyak ko habang nakatago ang mukha sa balikat ni Chinny.

“Bakit kasi biglaan? Eh di sana napaghandaan namin ni Chinny kahit papano yung tuition mo kung nalaman lang namin na nadisqualify ka.” Ang tanong naman ng worried na si Andrey na nakatayo at nakatingin samin ni Chinny.

“Hindi ko rin alam....huhuhu...Nagulat din ako nang sabihan ako ng adviser natin na hindi pa ako nakakapagbayad para sa second sem. Tapos pumunta ako sa Office of Student Affairs, tapos sabi nila nadisqualify daw ako. Huhuhu. Nagbigay daw sila ng notice sa office ng College of Nursing, pero wala naman akong natanggap.” Ang paliwanag ko. Suddenly, I felt my dreams crushing down before me.

“Three days na lang ang finals natin diba? May konting pera naman ako, pero 15% lang iyon ng tuition natin. Ikaw Andrey, ilan mapapahiram mo?” Ang sabi naman ni Chinny habang hinahaplos ang balikat ko.

“30% pa ang pera ko. Pero kasama na yun sa allowance ko sa dalawang buwan. Baka 15% din lang ang mapahiram ko sayo tol.”

Nabuhayan naman ako ng loob sa narinig. Kung ganoon, kalhati na lang ang iipunin ko. Pero sa loob ng tatlong araw? Hindi ko yata kaya. Pero I can’t really give up kahit napaka konti ng chance. Heto na ang mga kaibigan ko at nagbibigay ng tulong, i should at least try.

“Nahihiya na ako sa inyong dalawa. Lagi niyo na lang sinasalo ang mga pangangailangan ko. Sobra na nga itong pagpapatuloy mo Andrey dito sa apartment mo, mababawasan ko pa ang allowance mo. Wag kayong mag-alala kapag naging mayaman ako, kayong dalawa ang una kong babalikan.” Ang sabi ko while wping my tears.

“Sus. Unahin mo si madir mo. Pag naging mayaman ka hahabulin ka kahit sang lupalop ka pa ng mundo mahuthutan ka lang.” Chinny said. We all laughed a little.

“Pero Cody that means kelangan mong maghanap ng 30%. Mahirap yun lalo na’t tat---”

“Kakayanin ko. At least, susubukan ko man lang.” Pagpuputol ko kay Andrey. Tumayo ako saka ngumiti sakanila.

“Mag-aadvance muna ako sa sa pinagta-trabahuhan ko. Salamat Chinny sa pagpunta dito.”

“O sige. Susubukan ko rin Cody na kausapin si dad.” Ang sagot naman niya habang tumatayo din. She hugged me first at saka si Andrey at saka nagpa-alam para umalis. Niyakap ko din si Andrey at saka nagpaalam para umalis.

Nasa malalim pa rin akong pag-iisip kung saan kukuha ng pera habang sakay ng aking bisikleta papunta sa fast food chain na aking pinagtatrabahuhan.

Nagising na lang ako na nasa labas ng pinto ng opisina ng amo ko. Tulala.

“Wala na. It’s over…”, paulit ulit na sabi ng utak ko.

Walang ibang laman ang utak ko kundi ang kasawian. Lalo pa ngayong hindi ako pinayagang mag cash advance sa trabaho ko. Three days. Tatlong araw? Paano at saang kamay ng Diyos ko kukunin ang perang kinakailangan para sa Finals.

At that point, hindi ko namalayan na pumatak na lang ang luha ko. I suddenly felt cold, and alone. There, I realized, I was helpless…

“Mr. Cleton…? Are you okay?”, rinig ko na lang pagtawag sa pangalan ko. Nang mapalingon ako ay nakita ko si Mrs. Gilvero, ang aming Guidance Counselor. Doon, para na lang akong batang biglang nag iiyak. I was ready to give up, or atleast, that’s how I felt.

“Oh, anong nangyari?!”, taranta at alalang tanong nito. Naramdaman ko na lang na inaalalayan ako nito papunta sakanyang opisina.

Pinaupo niya ako at doon, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Narinig ko ang pagtatanong ng aming Guidance Counselor kung ano nga ba ang problema at ano ba ang rason ng aking pagiiyak. I tried to compose myself. Halos habol hininga kong ibinuhos sakanya ang aking saloobin at sinabi ang lahat lahat.

Suddenly, she smiled.

“Have you considered writing a promissory note?”, nakangiting sagot nito sa akin.

Promissory note? Bakit nga ba hindi ko naisip yun?! Since makakabayad naman kahit half. Pero…

“Po…? Eh kasi…”, malungkot kong tugon.

“If iniisip mo kung sino ang magiging guarantor mo, I can help you with that. Ako ang pipirma.”, nakangiting sagot nito muli sa akin.

“Po?!”, gulat at sabik kong tanong. Bigla naman ako parang nabuhayan ng loob.

“Yeah. Actually, I am really moved by students like you. Marami kasing mga tao ang sinasayang ang pagkakataon na makapag-aral. Pero ikaw… Naramdaman ko sa bawat salita at iyak mo ang determinsayon na makapagtapos. Kaya naman kahit sa ganitong paraan ay gusto kitang matulungan.”, buong sinceridad na sabi ni Ms.Gilvero.

Walang humpay na pagpapasalamat ang ginawa ko sakanya. Ngingiti ngiti lang naman ito sa akin at sinabi sa akin na ipangako ko lang na talagang pagbubutihan ang pag aaral. Buong loob ko naman na sinabi na dito na hindi ko sya bibiguin at tatanawin kong malaking utang na loob ang kabaitan nito sa akin.

I was on my way home, smiling as I ride my bicycle. Wala mang kasiguraduhan kung papaano ko mababayaran ang kabubuang bilang ng aking tuition at ang aking utang sa mga kaibigan, nabuhayan na ako ng pag-asa dahil may mga panahon pa ako pa upang makahanap ng paraaan matustusan ang mga iyon.

Ngunit hanggang kailan?

Sa tanong na iyon ay napawi ang kasiyahang naramdaman ko kanina lamang. Hanggang kailan ko magagawang tustusan ang aking pag-aaral? Ilang promisory notes pa kaya ang gagawin ko para sa mga natitirang taon bago ako gumraduate? Hanggang kailan kaya ako pauutangin ng aking mga kaibigan?

At doon ko tuluyang naramdaman ang panlulumo sa katotohanang ako na lamang ang bubuhay sa sarili ko. And again, the question that haunted me all my life came to haunt me once again; nasaan ang mga magulang ko? Hinahanap kaya nila ako? Maghihirap kaya ako ng ganto kung hindi ako nawalay sakanila?

I sighed. Pero dapat siguro ay huwag na ako umasa pa. Baka ganoon din naman ang nangyari kung nandiyan sila. Baka mahirap din lang sila at hindi rin nila ako mapapag-aral sa ganto kalaking unibersidad. At saka, ipapamigay ba nila ako kung hindi sila mahirap? Tama. Iyon na nga marahil iyon. They were so poor that they gave me to the orphanage. Kung magkaganon ay marahil mas mabuti na ang ganito. Ayaw ko na ring dagdagan ang paghihirap nila kung ganoon na sila naghihirap, at nagawa nilang ipamigay ang sariling anak. Sigurado naging mahirap sakanila iyon. Umiiyak din siguro sila habang iniiwan nila ako sa labas ng bahay ampunan.

I wonder how old I was when they left me there. Ang totoo'y hindi ko alam. Hindi ko maalala. Marahil naging masyadong masakit saakin ang pangyayaring iyon kaya hindi ko na maalala pa ang mga nangyari nang araw na iniwan nila ako, pati na rin ang mga mas nauna ko pang ala-ala. Tulad nga ng nabanggit sa discussion namin sa Psychology, my memories must have been repressed due to the emotional state I was in during those events. Para din akong isang sanggol na walang alam sa mundo sa mga unang araw sa ampunan. Hindi alam ang pinanggalingan, hindi alam ang pangalan, at maski ang mukha ng aking ina't ama'y hindi ko maalala. Sa mga unang araw ay pilit kong inaalala ang aking pagkatao sa kagustuhang lumayas sa ampunan. Ngunit dahil nga hindi ko alam kung saan ako uuwi kung makatakas man ako, hindi ko na sinubok pa. Up until now, all I see is a child crying alone in one of the dark corridors of the orphanage. Isang batang umiiyak, walang alam sa kanyang nakaraan, at walang kasiguraduhan sa kung ano man ang naghihitay sa hinaharap. I was really sad during those times, I felt all alone, feeling like the orphan that I really was.

Then I remembered the dark days matapos mamatay si papa. The doomed days na halos ako na ang igudgod ni Mama Esme sa sahig para ipanlinis sa mga dumi doon. Yung mga araw na naglalaro sa labas sina Ate Melissa at Kuya Allen habang ako’y nasa loob ng sala, naglalampaso ng sahig na kakatapos ko pa lamang lagyan ng floor wax, at lihim na sumisilip sa bintana, nakikitawa, naiinggit. Ang unang taon na nakalipas nang mamatay si Itay at binisita naming ang kanyang puntod, at nandilim ang mata ni Inay, at marahas na hinablot ang aking buhok at inilapit ang mukha sa puntod ni Itay habang umiiyak na sinasabing “Tingnan mo! Tingnan mo ang puntod ng asawa ko at ama ng mga anak ko! Tingnan mo kung anong ginawa mo sakanya! Pinatay mo siya! Dapat ikaw ang nasa loob niyan! Ikaw dapaatt!” Ang mga kaarawan ko na mag-isa akong nakakulong sa kwarto habang kinakantahan ang sarili at hawak ang babasaging bola na bigay ni Itay. Ang mga Christmas Eve na nag No-Noche Buena sila sa sa kusina habang ako ay nilalamig sa aking kwarto. Ang mga paskong wala na akong ginawa kundi umiyak, at hilingin na sana ay ibalik na ako sa aking totoong pamilya na hindi ko naman maalala kung ano at sino. At ang araw na makilala ko si Hesus, ang aking totoong ama, at natutunan magdasal, at gabi-gabing nangungusap na mahanap ko na ang totoo kong pamilya, na mapatawad ako ni Nanay Esme at ng mga anak nito at ni Tatay Gildo, na walang masamang mangyari sa nanay at mga kapatid ko, na hindi ako mawalan ng pag-asa, na patuloy akong maging mabait dahil iyon ang nais ni Tatay Gildo at ni Papa Jesus, ng dalawa kong ama. Hiniling ko rin, kahit imposible, na balang araw ay matutunan akong mahalin ng aking nanay. Sa paglipas ng panahon, doon lang ako humugot ng lakas.

Hindi ng lahat ng iyon ay nagkaroon ng katuparan sa aking paglaki. Ngunit may pinadala namang mga anghel ang Diyos para ako’y gabayan at alalayan; sina Andrey at Chinny.

Tumutulo na aking luha habang nasa ganoong pag-iisip nang lumiko ako sa isang kanto, hindi namalayang may kasalubong na kotse, at sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na maalala kung paano ko naramdaman ang sariling nakahandusay sa gilid ng kalsada.

And then some buried memories flashed inside my head.

"Kumain ka na, bilisan mo. Wag ka na umarte. Kumain ka ng marami at bukas ay dadalihin ka na namin sa ampunan. Pabigat ka lamang dito! Palamunin!" Ang sabi ng galit na tinig ng isang babae. Hindi ko maalala kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Hindi ko rin mawari ang kanyang mukha. Siya ba ang nanay ko?

"A-ayoko po...Ayoko..." Mga salitang lumabas sa aking bibig. Umiiyak ako? Napansin ko ang tatlo pang bata na nakaupo rin sa lapag at nakapalibot sa pagkain na nasa harap ko. Mga kapatid ko ba sila?

"Aba...umaarte ka pa talaga ha!" Ang sabi muli ng babae. Tumayo ito at may kinuhang patpat sa kisame. Pagkakita sa patpat ay napa-atras ang isa sa mga batang kumakain at hawak ang kanyang munting plato, sumiksik sa isang sulok ng bahay habang may takot na pinagmasdan ang babaeng ngayo'y papalapit saakin.

"Halika rito bata ka!" Biningbing niya ang kanan kong braso, pinilit akong patayuin, at walang humpay na pinalo ang aking puwetan.

"Tama na poooo!!!....Tama naaa!!!...Ayoko na ppoo.!!!..." Ang pagmamakaawa ng aking munting tinig habang dinaramdam ang sakit ng bawat hagupit ng aking ina.

"Lydia! Ano bang ingay na iyan?! Gawin mo na nga ang plano at nang mabawasan ang sakit sa ulo. Letse! Patahimikin mo iyan!" Narinig kong boses na nangaling sa labas. Malalim. Nakakatakot. Siya ba si Itay?

"Ayoko!!!! Ayoko po sa ampunan! Ayoookoo!!!" Ang sabi ko at nanlaban sa babaeng may mahigpit na hawak sa akin. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak, at saka muli ay ako'y pinalo. Ng paulit-ulit. Ng paulit-ulit...



Nakakapag-isip ba ang patay? Marahil ay oo, dahil nang bumalik ang parteng iyon ng aking ala-ala, ito lamang ang naisip ko...

Kahit pala sa buhay ko bago sa ampunan ay hindi na ako sinwerte. Mahirap lang ako, may tatlong kapatid na mas payat pa sa tingting at may malupit na mga magulang. Nakatakas man ako sa mapait na buhay na iyon, hindi ko man naalala ang malupit na nakaraan at katotohanan sa aking pagkatao, ganoon din naman ang sinapit ko kay Nanay Esme at sa dalawa kong kapatid. Si Tatay Gildo lang talaga ang taong tinuring akong pamilya. Ngunit kinuha din naman agad siya saakin ng Diyos.

At ngayon, marahil naawa na saakin ang Diyos, at heto't magkikita na kami ni Tatay Gildo. At ni Papa Jesus.



Chapter 2 -   Once Upon A Time (Preview)


Nakita ko siya. Isang anghel.

Marahil.

Sa mukhang iyon, marahil ay isa nga siyang anghel. That kind of beauty was just too inhuman, too unearthly.

"Tol...tol...okay ka lang?! Anong nararamdaman mo?."

Kahit ang kanyang boses ay makalangit. Pero... naisip ko lang, Tagalog din ba ang lengwahe ng mga anghel? Tol din ba ang tawag nila sa mga taong sinusundo nila? Ang weird naman. Which brings me...

"Buhay pa ako?" Tanong ko, habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang mukha. My senses snapped back, at saka ko ginalaw ang aking ulo upang pagmasdan ang paligid. Nasa Pilipinas pa rin ako. At ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang tanging taga-langit.

Meet Alexis. Alex. Al.