BG

Friday, May 25, 2012

Break Shot - Chapter 10



Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog. Nandiyan na yung iikot sa higaan, titihaya, uupo, tatayo, maglilibot sa kwarto. Napakarami kong isina-alang alang bago nagdesisiyon. Napakahirap dahil alam kong kahit anong piliin ko sa dalawang iyon, isa sa kanila ay masasaktan. And halfway through, masasaktan din ako.



Eto na yun eh. Yung araw na pinakahihintay ko...yung araw na akala kong impossible. This was what my heart has been hoping for na mangyari sa matagal na panahon...ang makasama si Matthew, ang maranasang mahalin niya, ang masabing mahal ko siya. Nasa harap ko na ang pangarap na iyon...Should i grab it? Or should i let the chance pass?



Alas dos na ng umaga nang ako'y nakagawa ng desisyon. Finally, i decided na puntahan muna si Matthew...hanggang alas tres ng hapon at saka pumunta kay Kuya Liam. Gagawa na lang ako ng istorya kung bakit ako na-late.



Sa pagkikita rin namin ni Matthew, tatapusin ko na ang lahat saamin. At the end of the perfect day, i will break HALF of my own heart by letting Matthew go. But that doesn''t matter much...I know i will be happy with Kuya Liam. And i know i love kuya Liam. Pwede ba yun? Pwede bang magmahal ng dalawang tao sa isang oras? Sa isang puso?



Guess so.



Maaga pa lang ay inayos ko na ang sarili ko. Nagpa-gwapo...I wore a shirt i never wore before and a faded jeans. Naglagay din ng gel at hindi masyadong strong na pabango. Nang magpaalam ako kina papa, hindi na sila nakatanggi dahil bonggang bongga na ang porma ko. Kaya binigyan na lang nila ako ng pera. Ang bait nila noh? :P



Nang makarating ako sa tapat ng Shell, nandoon na din si Matthew, naghihintay. He smiled when i came nearer.



"Ang gwapo mo naman Andrey. Baka mapagkamalan akong bodyguard nito." Ang sabi niya noong makalapit na ako.



Ngumiti ako at tumingin sa ibaba.



"Ikaw din naman ah. Parang kang si Elmo."" Bawi ko.



"Elmo Magalona? Waaa...hindi naman...ang gwapo naman nun."



"Ay...hindi eh...Elmo lang...yung muppet sa Sesame Street." Ang sabi ko sabay tawa. Ginulo niya ang buhok ko (oww, my poor wasted gel)



"Ang kullittt!!!...Tara na nga." He said. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. Sumakay kami ng tricycle at nagulat naman ako ng sinabi niya sa driver na ibaba kami sa sakayan papuntang Legazpi.



"Hala...ang layo nun ah! Dalawang oras ang biyahe papunta dun..." sambit ko.



"Eh di mabuti. Relaks ka lang. I will take care of everything. At saka, gusto ko talagang pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala saatin." He said. He gave me a reassuring smile. I understand his purpose naman. Nakakatakot nga naman na magdate kami sa bayan namin na maraming makakakitang familliar faces.



"K-kung ganon ako na bahala sa pamasahe." I suggested na naghatid naman ng kunot-noo sa kanyang nakaka-akit na mukha.



"Wala kang gagastusin sa araw na 'to. Ako na bahala sa lahat."



"P-pero...Magsasayang ka ng maraming pera kung ganon. Ako na lang sa pagkain."



Tiningnan niya ako at tinitigan ang aking mata.



"Pinagipunan ko na 'to. Since the day na nabasa ko na gusto mo ng perfect day, pinagplanuhan ko na 'to. Sometimes nga i spend the night planning and thinking what we should do kapag dumating na ang araw na 'to. Kaya, don't worry about anything and just enjoy every single moment. Kay?" He said. Nagblush naman ako dahil naririnig ng ibang tao sa tricycle yung sinasabi ni Matthew. Nagtitinginan nga sila eh. Pero somehow, kinikilig ako sa fact na wala siyang masyadong pakealam sa iisipin ng iba.



Ayokong nagbu-blush ka sa ibang tao, lalo na kay Matthew. Naalala kong sabi ni Kuya Liam noong nandoon kami sa kwarto. Umiling-iling ako dahil parang narinig ko talaga.



At noong bumaba na kami galing sa tricycle, doon kami sumakay sa unahan ng jeep. Kaming dalawa lang doon at ang driver. Ilang minuto pa'y umandar na ito. The moment na naramdaman kong umusad na ang sasakyan, i promised myself i will not think of Kuya Liam muna sa araw na ito. I will cherish every moment, and would do my best para sulit at talagang unforgettable ang araw na ito.



Nagulat naman ako noong hinawakan ni Matthew ang kamay ko. Napatingin ako sa driver pero deadma lang ito sa ginawa ni Matthew. Siya naman ang nilingon ko pero nakangisi lang ito habang nakatingin sa labas. Parang ang saya saya sa ginawa. Siyempre, alam niyo na, kilig moments...



Habang ganoon lang ang posisyon namin, binalikan ko naman lahat ng nangyari noong 3rd year kami. Yung mga sandaling masasaya, mga nakakakilig, yung mga pasulyap-sulyap, mga good morning at marami pang iba na naging dahilan para mahalin ko si Matthew. And looking back during those times, i would have never thought that this day would come. Napakasaya sa pakiramdam. Feeling ko everything is going my way... Labis labis pa nga ang bumalik saakin. I almost have it all....supportive family, loving boyfriend, higher grades, highest ranking, and now, my long lost dream is beyond my grasp. What more can i wish for? Minsan nga naitatanong ko kung deserve ko ba lahat ng biyayang ibinibigay saakin.



Halos isang oras na din kaming nakasakay nang alisin ni Matthew ang kamay niya. Inakbayan niya kasi ako gamit ang kanang kamay samantalang ang kaliwang kamay ay inihawak uli sa kamay ko. Tiningnan ko uli yung driver pero wala lang siya uli. Tiningnan ko uli si Matthew pero nakangisi lang siya ulit. Yung posisyon naming iyon made me feel like a child again. Parang gustong gusto uli ng inner child ko yung nangyayari. Mga ilang minuto pa ay nakaramdam ako ng antok dahil nga sa kaiisip ko kagabi. Noong napansin niyang natutulog na ako, naramdaman kong hinawi niya ng kaunti yung ulo ko para makasandal ako sa balikat niya.



Ang totoo'y hindi naman talaga ako makatulog gawa ng excitement, kilig, at kung anu-ano pang echoss na naglalaro sa ulo ko.



Siguro'y mga dalawang oras nga noong makarating na kami finally sa pupuntahan namin. Mas maunlad talaga iyon kaysa sa bayan namin mismo. Una kaming pumasok sa Metro Gaisano Mall. Naglibot kami kahit wala namang particular place na pupuntahan. Kung maisipang pumasok sa isang store, papasok, titingin tingin kunwari pero hindi naman bibili. Nang may makita kaming ice cream bumili kami, yung pinakamahal, at saka kumain habang naglalakad. May nakita rin kaming parang sample ng iPad tapos kinalikot namin yun, tiningnan yung mga features etc..



Pagkatapos noon ay pumunta kami sa gitna kung saan may malaking pa oblong na kita mo yung mga nasa baba (I can't describe...nyahaha).



"Grabe na talaga ang technology ngayon ano?" ang sabi niya, referring to the iPad.



"oo nga eh. Ang bilis talaga."



"Kaya minsan nakakainis siguro bumili ng latest technology dahil sooner or later may bago na naman agad, at parang wala na lang yung current device mo. Kaya yang iPad na yan, wait five years or more, made-depreciate din ang value niyan. Magiging affordable din. Saka na lang ako bibili. haha." Ang sabi niya.



"Tama ka. Sana hindi ganun ang puso ano? Sana kapag nagmahal ito hindi agad ma-deppreciate ang value sa madaling panahon." Ang sabi ko naman. I don't know kung im referring to him or kuya liam.



"Depende. Okay lang kung outdated na ang technology mo, as long as naalala mo pa kung gano mo siya kamahal noong una mo siyang binili. As long as you remember yung feeling ng fullfillment nung nasa kamay mo na siya, at yung excitement nung unpackaging na. Siyempre, yung paghihirap mo din para lang mabili siya, at saka yung mga times na lagi mo na siya kasama. Those factors, kahit na lumipas ang maraming taon, your technology would still has the same value kahit marami nang nagsidatingang bago. Mahalin mo lang at alagaan ang technology na nasayo, dahil at some point, at some time, minsan siyang nanguna at naghari sa puso mo. That way, hindi made-deppreciate ang value niya." He said, full of meaning ang lahat ng binanggit. Pero nakuha ko naman ang ibig sabihin niya.



"Marami kayang tao na hindi pinapahalagahan ang technology nila...palit lang ng palit kapag may bago. Sabay lang sa uso." Ang sabi ko, litterally tiningnan kahit naiinitindihan ko yung meaning niya.



"Isa ka dun. haha. Madali mong nakalimutan yung unang technology...Pinalitan mo agad. Hindi mo man lang inalam kung ano naramdaman nung iniwan mo." May tampo ang tono niya. Napataas tuloy yung isa kong kilay.



"Huh! Eh kasi, yung unang technology ko, hindi ma-explain. Nagmu-mulfunction at naghahanap ng ibang owner. Kaya kahit gano ko pa kamahal yun, nagawa kong palitan dahil...sabihin na nating the technology is not serving me right. haha." Bawi ko naman. Ngumiti din siya at ginulo ang buhok ko.



"Kung mag-pa repair ba yung unang technology mo, tatanggapin mo uli?" Seryoso niyang tanong. Kinabahan naman ako. Its exactly the same with asking for a second chance.



"Mahal ko na din yung bagong technology eh..." I just replied with a low voice.



Mga limang minuto kaming natahimik. But we both don't want to ruin the day with this kaya pareho kami nagkakaayaan kumain. Tumawa na lang kami pareho.



Kumain nga kami sa isang restaurant na may dim ambience. Masarap ang pagkain dun at talagang napaka-romantic tingnan ng lugar. Minsan nagkakatinginan kaming sabay ni Mtthew at sabay napapayuko para ipagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos noon ay siya talaga ang nagbayad ng inorder namin. Paglabas namin ng resaurant ay hinablot niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Siyempre i resisted, dahil maraming tao sa mall, pero hindi naman siya nagpatalo and simply smiled sweetly. Kunsabagay, wala namang nakakakilala saamin dito. "Ang lambot naman ng kamay mo Andrey. Nakaka-adik hawak hawakan. Palibhasa walang ginagawa. hehehe." Ang sabi niya.



"Hindi ah. I've been doing lots of hard work nitong mga nakaraan. Si Kuya Liam kasi kung ano ano pinapagawa sakin sa bukid." Ang sabi ko naman. Mentioning his name made him squeeze my hand. Parang sign na ayaw niyang marinig ang pangalang iyon sa araw na ito.



Nagtitinginan naman saamin ang mga tao kapag nakikita kaming magka-holding hands while walking. Ang iba'y ngumingiti, ang iba'y sumisimangot, ang iba'y wala namang pakealam. I was deeply touched na wala talagang pakealam si Matthew sa mga iisipin ng tao. Basta masaya kami sa ginagawa namin, yun lang ang mahalaga sakanya.



"M-matt...hindi ka ba n-naiilang o ano...k-kasi nagtitinginan ang mga tao eh." Ang sabi ko.



"huh...hinding hindi. Ang saya ko nga eh. I feel so proud pa nga ikaw ang kasama ko. At saka, wala namang nakakakilala saatin dito eh." Paliwanag niya na lang, looking straight sa daan.



Ang sunod naming pinuntahan ay ang World of Fun. Isang parang palaruan sa mall. Nagbasketball kami sa parang mini basketball doon na wala namang court. Kailangan mo lang magpa-shoot ng bola as much as possible within the given time. He showed off naman ang kanyang galing sa pag-shoot. Ako lang tagahulog ng coin habang naglalaro siya dun. Siyempre kilig naman ako kasi kinikindatan niya ako tapos tinitingnan habang nagpapashoot. Nagsilapitan naman ang ilang nanonood doon para tingnan si Kuya Matthew. Nagpalakpakan at humiyaw din. Noong isa na lang ang bola, ang sabi niya "Para sa mahal kong si Andrey" at shi-noot ang bola. Palakpakan uli yung nanood at siyempre, abot tenga naman ang ngiti ko kahit walang nakaka-alam sa nanonood na ako si Andrey. Akala ko ligtas na ang pangalan ko, pero nung lumapit na sakin si Matthew, ang sabi niya "tara na andrey" sabay akbay. Nakita ko namang sinundan kami ng tingin ng nagsinuod. Hindi siguro expect na ako yung tinukoy ni Matthew.



Naglaro pa kami ng whack-ka-doodle na may asong sumusulpot tapos pupukpukin yun. Mabilis din naman ang coordination ko pero mas magaling si Matthew.



"Isipin mo lang na yung principal yan." Ang sabi niyang nakangiti. Napatawa naman ako at nagpatuloy sa paglalaro. Sunod naming nilaro ay yung nanunungkit ng angry birds na stuffed toys. He made a deal muna bago siya naglaro.



"Kapag may nakuha akong isang angry bird dito, may isa akong wish na dapat mong tuparin." Ang sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti. Alam ko kasing napakaaaaahirap makakuha ng ganun. Parang 1 vs. 100 ang chance.



At tama nga ako. Napakaraming limang piso na ang nasayang niya. 50+ na siguro. Nanghihinayang naman ako dahil pinaghirapan niya iyon. Magaamit niya pa sa mas may kabuluhang bagay.



"Halika na Matt. Nagsasayang ka lang diyan ng pera." Ang sabi ko, hinawakan ko na ang braso niya para sumama na sakin pero hindi naman siya gumagalaw. Bumili uli siya ng gaming coin, mga sampu pa at saka naglaro ulit. Muli, na-touch na naman ako sa ginawa niyang iyon. Handa talaga siya gawin lahat para makuha yung angry bird at yung wish niya. Pinagpapawisan na siya at siguro'y kalhating oras na kaming nakatayo doon. Idinikit ko na nga noo ko sa glass window kahihintay.



"A-andrey...bili ka muna ng kahit anong makakain doon...alam ko nabo-bored ka na." Ang sabi niya. Tumigil siya nang bahagya at kumuha ng 500 sa wallet at ibinigay sakin.



"Kahit ano?" Tanong ko.



"Kahit ano." He said at naghulog ulit ng coin para makuha yung angry bird.



Umalis naman ako at naghanap ng kahit ano. Nilibang ko na din ang sarili habang nagwindow shopping. Naisip kong bumili ng regalo para kay Kuya Liam. At napadaan naman ako sa isang jewelry shop. Naisip kong bilhan si kuya ng necklace. Yung babagay sakanya lalo na siguro kapag walang t-shirt. Napili ko yung parang chain and design na nagkakahalaga ng 700 something.



Lumabas ako ng shop at bumili ng shake galing sa Quickly. Cofee blend. Paborito ko kasi yun hehe. Sinabayan ko na din ng dalawang pizza roll para may makain.



Pagbalik ko sa nilalaruan ni Matthew, naghihintay siya dun...Nakasmile...at...hawak ang stuffed toy na kanina niya pa sinusungkit.



"Pano yan, nagawa ko." Ang sabi niya, nagmamalaki ang boses at proud na proud. Nakangiti ko namang inabot sakanya ang shake at ang pizza.



"Oo na. Pwede ka mag wish basta yung kaya ko lang." Ang sabi ko. Binigay niya naman sakin yung angry bird. Yung kulay yellow.



"Ba't naman etong yellow ang pinaghirapan mong kunin?" Tanong ko sabay sipsip sa shake.



"Kasi it reminds me of your 'annoyed' face. haha. Kamukha mo pag naiinis." Ang sabi niya na nakangiti pa na wari'y inaalala ang expression ko.



"Hindi ah! Hindi naman ako ganyan mainis..." Ang sabi ko, naiinis na din.



"Hahaha...Ganyan nga..Yang mukhang yan...Hayyy Andrey." Ang sabi niya habang tumatawa. Inayos ko naman ang mukha at mi-naintain ang posture para mawala ang 'angry bird' impression niya sa mukha ko.



Bumalik kami sa WOF at pumasok siya sa isang videoke room. Sumunod naman ako.



"Kakanta tayo?" Tanong ko. I looked at the time. Lagpas alas tres na. Malamang ay kanina pa naghihintay si Kuya Liam. Tapos yung oras pa ng pagsakay sa jeep na dalawang oras. Naku, hinding hindi na ako aabot.



"Oo naman. Try mong manood ng movie sa videoke...hehe." Binigay niya saakin ang microphone at listahan ng kanta. Naisip ko kumanta ng gusto kong sabihin sakanya kaya kinanta ko yung White Horse by Taylor Swift.



Say you're sorry

That face of an angel

Comes out just when you need it to

As I paced back and forth all this time

Cause I honestly believed in you



Holding on And days drag on

Stupid boy, I should have known, I should have known



[Chorus]

I'm not a princess, this ain't a fairy tale

I'm not the one to sweep off her feet,

Lead her up the stairwell

This ain't Hollywood, this is a small town,

I was a dreamer before you went and let me down

Now it's too late for you And your white horse, to come around



Baby I was naive, Got lost in your eyes

And never really had a chance

My mistake I didn't know to be in love

You had to fight to be the upper hand

I had so many dreams About you and me

Happy endings Now I know



[Chorus]

I'm not a princess, this ain't a fairy tale

I'm not the one to sweep off her feet,

Lead her up the stairwell

This ain't Hollywood, this is a small town,

I was a dreamer before you went and let me down

Now it's too late for you And your white horse, to come around



And there you are on your knees

Begging for forgiveness, begging for me

Just like I always wanted but I'm so sorry



Cause I'm not your princess, this ain't a fairy tale

I'm gonna find someone someday who might actually treat me well

This is a big world, that was a small town

There in my rearview mirror disappears now

Now it's too late for you and your white horse

Now it's too late for you and your white horse, to catch me now



Oh, whoa, whoa, whoa Try and catch me now Oh, it's too late To catch me now



Hindi naman siya pumalakpak ng matapos akong kumanta. Marahil ay nakuha niya ang message na nais kong iparating. Na huli na ang lahat. Binigay ko naman sakanya ang song book at mike. Napili niya namang kanta ay So Sorry by Brian McKnight tagalog version. Habang kinakanta niya iyon tawa naman ako ng tawa despite na nakuha ko rin yung ibig niyang sabihin. Ginagaya niya kasi yung pronounciation ni Brian ng tagalog. Pati yung "Im so so-ho-rey" kaya tawa ako ng tawa.



Mga gabing nag-iisa sa'yong pag-tulog

Gising ka nga at di dalawin ng antok

Mga tanong sa isip mong walang sagot

Nasasaktan ang puso mo't nalulungkot



Chorus:

Im so sorry, kung ano man ang nagawa

im so sorry, hindi naman ito sinasadya

Im so sorry, pangarap di nagkatugma

Kung nasaktan man nga kita yo'y di sinasadya

Kung nasaktan man nga kita yo'y di sinasadya



Maraming bagay na sayo'y nilihim at tinago

palagi na lang na di mag-kasundo

at sa bawat maling nagawa ko sa yo ngayo'y nag-sisi (HEEEEY)

Masakit ngang nitong nangyayari



Repeat Chorus



Nang-ikaw ang masaktan, ika'y minamahal

Ipagpatawad mo sana, puso mo'y nasaktan

Sa puso ko'y di ka mawawala kailan pa man

Sana ay ipagpatawad na lang.



Naka-ilang round din kami nang palitan ng mga makahulugang kanta ng magyaya na ako pauwi. Pero sabi niya hindi pa daw tapos ang perfect day namin.



"Kaya nga perfect day diba? Day...hindi half day...Kaya, 24 hours kang kasama ako." Ang sabi niya noong nasa labas na kami ng mall.



"Ha!? H-hindi pwede Matt...hindi ako nakapagpaalam kina mama..." ang sabi ko, worry written on my face. At saka kay Kuya Liam.



"Andrey please..." Iyon lang at ang nagmamaka-awa niyang mata ay bumigay na ako. "Doon tayo saamin. Marami pa tayong dapat pag-usapan..."



Habang pauwi na kami, tinanong ko siya kung kumusta na ang mama at mga kapatid niya. Akala ko nga ipapakilala niya ako rito kaya kami pupunta sakanila. Pero it turned out na may isang bahay bakasyunan pala sa barangay nila na pinapabantay at pinapa-alagaan sakanya. Doon daw siy nagkakaroon ng extra income bilang tagapangalaga sa bahay na iyon. Siyempre kinabahan naman ako nung malamang kaming dalawa lang pala doon.



"A-anong gagawin natin dun?" Tanong ko. Hindi ko na din kasi maiiwasang mag-isip ng may malisya.



"Mag-uusap?." Sagot niya lang habang nasa daan kami. Mas lalong tumindi ang hinala ko. Tumigil nga kami sa isang tindahan at bumili siya ng lulutuing corned beef, bigas, at saka isang malaking RC cola.



"Tara pasok na tayo. Feel at home ha." Ang sabi niya habang binubuksan ang gate ng bahay na binabantayan niya.



"Matt baka mahuli tayo dito. Uwi na lang kaya ako." Ang sabi ko. Kumagat na kasi ang dilim nang makarating na kami doon. Ang bahay na kanyang sinasabi ay malayo sa kalsada. Katunayan, halos sa liblib na lugar na ito nakatirik. Gabi man, nakikita kong maganda ang bahay at mayroon itong malaking garden na may angel fountain sa gitna. Yung palibot ng bahay ay puro naman mga berdeng damo. Marahil ay nature lover ang may-ari noon. The nature-like ambience of the place reminded me of the days with Kuya Liam. Buong araw ko siyang hindi nakita. I miss him na...



Hindi nga kami pumasok sa malaking bahay kundi sa maliit na kwartong katabi ng garahe. May dalawang upuan at isang mesa sa labas at doon niya ako pinaupo. Binuksan niya ang kwarto at may kinuha doon. Nang makita ko naman ang properly and neatly prepared na kama, unan, at kumot, may biglang umikot sa tiyan ko.



'You're only mine Andrey' naririnig ko sa isip na sinabi ni Kuya Liam. You have to promise Andrey...or i will never forgive you.



I can't let anything na may mangyari saamin ni Matthew sa gabing ito. Pumunta siya sa kusina ng malaking bahay at narinig kong naghugas. Sinundan ko siya doon at nag-offer na ako na ang magsasaing.



"Seryoso ka Matt na 24 hours mo akong kasama?" I asked habang sinasawsawan ang bigas.



"hehe. Hindi naman. Siguro'y mga 9 ihahatid kita papunta sa paradahan ng mga nag door-to-door." Ang sabi niya. Inilagay niya ang kawale sa kalan.



"Matt, promise you won't touch me." Bigla kong sabi maya maya.



"I can't..." Nakangisi niyang sabi sabay lagay ng mantika sa kawale.



"I'm serious Matt...And i trust you won't..." I made sure that my face were begging. Isinaing ko na rin ang kanin sa kalan.



"Hmmm...unless you would allow it." Ang sabi niya pa. "Naku, nasa ref pa pala yung sibuyas. Andrey pahawak nga muna." Inabot niya ang kutsara na ginagamit sa pagprito. Pinahinaan ko ang apoy habang hinintay si Matthew. Maya maya hinalungkat ko ang tray na may mga ingredients at sa ilalim ay nakakuha naman ako ng sibuyas. Agad ko iyong hiniwa at saka inilagay sa kalan. Dumating si Matthew na may dalang sibuyas pero niluluto ko na ang corned beef.



"Mayroon pala diyan. Akala ko wala na." Ang sabi niya. "Marunong ka pala magluto."



"Sus. Eto nga lang ang alam ko. Paborito ko kaya 'to kaya nagpaturo ako kay mama magluto para kung gusto kong kumain, ako na ang magluluto."



"Alam ko. Kaya nga yan ang napili kong ulam natin." Ang sabi niya naman habang nakapa-maywang habang tinitingnan ako magluto.



"huh? Panong alam mo?"



"Sa slum note ni Kayla. Diba sumagot ka dun? Pabalik balik ko yung tiningnan at halos makabisado ko na lahat ng paborito mo." Ang sabi niya while smiling shyly.



"Weeeee...Ganun ka na ka-obsess sakin? Pati slum note ko ini-istalk mo?' Biro ko naman. Tumawa naman siya at saka pumunta sa likod ko. He slid his arms around my neck at saka niyakap ako habang nakatalikod.



"Yeah...I guess i love you so much..." He silently whispered on my ear. Ewan, guni guni ko lang siguro na parang nararamdaman ko ang lips niyang dumidikit sa tenga ko. Hindi ko naman nagawang itaboy siya sa ganoong posisyon because his tone was rather sad. Parang nalulungkot siyang huling beses na kaming ganto. Maging ako ay nalulungkot din. Ngunit kakayanin ko para kay Kuya Liam.



Matapos naming kumain, naghugas siya ng pinggan samantalang nandoon ako sa labas, naglalakad-lakad sa garden. I stared at the stars as it continuously blinked at me. And i was suddenly mesmirized by the moment.



"Akala ko umuwi ka na." Ang sabi niya bigla, drawing near. Nilingon ko siya at saka ngumiti.



"Ang ganda naman ng view ng langit dito. At saka yung mga stars, feeling ko sakin sila lahat nakatingin. " Umupo ako sa damo ng garden habang patuloy pa ding pinagmasdan ang langit.



"I can be your star if you like." Ang sabi niya. He sat in the grass like me, but later on, he layed his back on the grass. Ginaya ko siya at mas lalo kong naenjoy ang moment.



"Andrey, let's ask each other questions that we both wanted to ask..." Ang sabi niya habang nakapako din ang tingin sa mga bituin. I looked at him and smiled again. I liked the idea so much. I want to ask him the questions that chained me for so long.



"Ang dami kong gustong itanong eh."



"Magsimula ka sa simula. hehehe." He smiled so sweetly that it almost melt my heart. And tulad nga ng sinabi niya, nagsimula ako sa simula.



"K-kelan mo ko unang napansin? I mean, hindi naman tayo close nung una diba? Since when did you start noticing me?" unang tanong ko. I want to know kasi kung mutual nga yung first eye to eye contact namin.



"Hmm...Noong nagrereport ako sa gym. The flow of my report was carefully planned, I projected for a perfect report, then i came accross your eyes. You were looking straight at me...at halos matunaw ako sa tingin mong iyon that i almost lost my focus....no, i lost my focus nga eh." He said, smiling.



"Really? That was nothing pa nung time na yun. I was just - sort of - scanning you and was simply thinking about you. Pero nung nahuli mo ko, naramdaman ko dun na may something. Which reminds me, bakit pala nung umupo ka eh hilaw ang ngiti mo? Parang napipilitan ka lang na ngumiti."



"Because i was so confused of how i felt while...looking at you. Kaya nga sinubukan kitang kausapin kinaumagahan. Bakit naman napaka-uncomfortable mo nang mga oras na magka-usap tayo?"



"I don't know...Maybe because i was starting to feel that you are gonna make a big difference in my life. You know, before, i was such a spoiled prince in my own little castle...I don't let others easily come in my life. I want it to stay just as i wish it to be. But then you came...you...changed everything." I said.



"And i hurt you alot, didn't i?" Ang sabi niya, knowing the jerk he has been.



"Oo talaga. Especially nung inamin mo ki Ella na crush mo siya since 2nd year. Totoo ba yun?"



"Oo. She has been the apple of my eye nung second year. Until 3rd year, siyempre. I never intended na ligawan siya, and i don't know if you will believe this but, niligawan ko siya sa takot na...tuluyan na akong mahulog sayo. Heck, i was definitely so scared, so afraid of the alien feeling i feel each time our eyes meet...I was afraid to turn to a person i know i am not...or i thought i was not. Dahil kahit anong gawin effort, hindi ko matakasan ang fact na mahal ko si Andrey. Na kapwa ko lalaki. i don't know if i'm making myself clear but---"



"Of course i understand. I felt exactly the same thing. I tried hiding from the fact na KAPWA lalaki nga ang iniibig ko. But i didn't anyway. The more lang na sinusubukan kong labanan, mas lalo lang akong nahuhulog saiyo. Anyway, did you truly love my best friend?"



"Would you be angry if i said no? Not exactly no...i care for her so much..she's such a sweet lady. Pero, my heart belonged to someone else. And, isa pang dahilan kung bakit ko siya niligawan, is to see if nagseselos ka. But you never showed any sign na nagseselos ka. Minsan nga while i flirt with her almost sa harap mo, you don't know how i wish in the back of my mind na magshow ka man lang ng sign na nagseselos ka. But you never did."



"Hayy...Hindi mo lang alam kung gano ako nagseselos. Hindi mo alam kung ilang gabi akong nagsanay sa harap ng salamin para makabuo ng mga maskarang isusuot kapag i would spend another time with my my bestfriend talking about how romantic you are kapag nanliligaw. Sometimes nga i wish it was me. haha. but i also sincerely loved my bestfriend, i don't want to hurt her. Ayokong iwan siya sa time na napakasaya niya. How did the two of you broke up pala?"



"i confessed to her" he simply said. Napabalikwas ako sa pagkakahiga.



"WHAT!?" ang sabi ko.



"I confessed. Wala ba sa vocabulary ng best in english ng klase ang word na confess?" He joked. Dedma sa reaksyon ko.



"I mean, what did you say?" bumalik ako sa pagkakahiga sa damuhan. I really adore his boldness and recklesness....natatawa tuloy ako habang iniisip kung pano siya umamin kay Ella. Siguradong nag direct to the point agad siya. Ano kaya sinabi niya, I loved your best friend? In love ako sa best friend mo? I like Andrey?



Nakangiti akong parang tanga ng mga oras na yun.



"Ang sabi ko Sorry, but i love someone else. Then she ask who, then i said your name. Hindi naman siya nagulat ng masyado. She said she always knew that there's someone i love...only that hindi niya expect na ikaw."



"Was she hurt when you told her that?"



"Siyempre hindi na maalis yung masasaktan siya. But she understood. Siya mismo ang nagsabi na its useless to force herself saakin kung may laman na pala ang puso ko."



"Kelan mo ba tinanggap sa sarili mo na mahal mo ako?" Tanong ko na lang nung nagkaroon ng moment of silence.



"Hmmm...sa clinic ulit. Nung galit na galit ka sakin at pinapaalis mo ako but i keep forcing to help. The moment na galit na galit ka, but when our eyes met again, biglang naging maamo yung mukha mo. You lowered your guard down. You let me enter your life. Since that day on, i can't keep you out of my mind na. And i accepted the fact that i love you. But still, i ran away from it. Nakipagtigasan ako sa tinitibok ng puso ko."



"Eh bakit nung bakasyon lagi ka daw nagpupunta sa bahay nina Ella?"



"Doing my boyfriend duty? At saka gusto ko din mapalapit sa magulang ni Ella. Now that i think of it, i did sincerely loved your best friend too." He paused a while and stared at the sky, his eyes shining. "Kung hindi ko siya minahal hindi sana ako gumawa ng mga ganoong mga effort. Kahit nga mga monthsary namin ay napaka-romantic. I'm doing my very best para mapasaya ko siya."



Marami pa kaming napag-usapan pero nakalimutan ko na yung iba. We both didn't allow the night to end na may natitira pang tanong sa isip namin. I felt extra lightweight dahil i never thought the day would come na malalaman ni Matthew lahat ng saloobin ko. And i felt extra special too, i felt so lucky to be loved like that. At least alam ko na na habang im having the worst times of my life sa pag-question sa sexuality ko, hindi pala ako nag-iisa. Still, pareho namin inamin na nanghihinayang kami sa fact na pareho kami nagmamahalan but we both let pass what's already in our grasp. Pareho kami reflect ng reflect sa nararamdaman, pareho balisa. Kumbaga we're both beginners, kaya hindi talaga expected na hahantong ito sa happy ending kung pareho kami takot umamin, takot sa nararamdaman.



"Kumusta naman si Liam bilang boyfriend?" Ang sabi niya noong tapos na naming pag-usapan ang 'samin'.



"As a boyfriend? hmmm...He's the sweetest thing. He's the best. Wala na akong mahihiling pa. He has been my source of strenght for a very long time now. He's the reason why i managed to be happy despite the constant bumps here and there. Kaya nga nanghihinayang man ako na hindi natin naipaglaban yung nararamdaman natin, i don't regret na nasaktan ako ng sobra. Dahil during the darkest hours of my life ko nakilala si Kuya Liam. Kung babalik man ang oras na masasaktan uli ako sa piling mo, i'm willing na masaktan hundred times pa...dahil i know, at the end of the dark tunnel, someone who is unlike no other is waiting for me...waiting to love me." I said...every little word i say comes from my heart. And unknowingly, umiiyak na pala ako habang inaalala ang lahat ng times that Kuya Liam stood by me.



"You really love him, do you?" Matthew asked, in a soft husky voice.



"I love him so much i think i can't live without him na...I'm afraid na nga, paano kaya kapag graduate na tayo at hindi ko na makita si Kuya Liam...paano ko kaya magagawang mag-survive." I simply replied.



"Hey...Stop breaking my heart." Pabiro niyang sabi.



"I still have a wish to avail, right?" He said. Tumabi siya sakin sa pagkakahiga sa damo. He looked straightly into my eyes, melting me inside, and then asked.. "I wanna kiss you so bad...Kiss won't hurt right?"



Hindi naman siguro...I haven't forgot what i promised kay Kuya Liam, pero like what he said, a kiss won't hurt. Pero i haven't brushed my teeth yet! Corned beef pa na man ulam namin.



"M-may extra toothbrush ka?' I said awkwardly sabay balikwas.



"That means i can kiss you" He smiled soooo sweetly. "Oo, may mga toothbrush dun sa drawer sa labas ng bathroom na hindi pa nagagamit."



Tumayo naman ako at saka pumunta sa cr. After i brushed my teeth, tiningnan ko ang sarili sa salamin at parang tangang kinausap ang sarili.



"Andrey, self-control ha...You don't want to break your promise to Kuya Liam..." Nagtagal pa ako doon ng ilang minuto at itinatak sa utak na HANGGANG KISS lang ang mangyayari.



Bumalik ako sa garden at nandoon pa din si Matthew, nakahiga at nakatingin sa langit. I layed my back on the grass again, ang isang paa'y naka-angat at naghintay sa susunod na mangyayari. That awkward moment when you both know what to do but don't know how to start it.



"From now on, kapag titingin ako sa langit, i would always remember this perfect day." I said to break the defeaning silence.



"Yeah...and I would be your star Andrey...I will always love and guide you...from afar." He said in a sad voice. He then rose and change his position at umupo na lang. He slowly bent his head and kissed me.



So what happened was something like kissing under the moon. Romantic, passionate, and....romatic nga. yun na yun.

And he was one heck of a kisser, tell you. :P



When our kiss broke after 2 minutes, we we're both catching our breath. Noong maka-adjust na ako sa nangyari, umupo din ako gaya ng position niya.



"That was...great" I said, without even thinking.



"I have one more question" Pahabol niya nung magpapa-alam na sana ako para ihatid niya umuwi.



"May nangyari na ba sainyo ni Liam?" He asked. Nag-blush naman ako at inilayo ang tingin.



"I-i know this is too personal...and its also something na wala akong karapatan na itanong pero---"



"Oo...He was my first..." I said, nahihiya ang boses. Tiningnan ko siya, ang his face was terrible. Parang doomsday ang naging mukha niya sa narinig. Kaya touching his face, i came near and kissed him one more time. Matagal uli iyon, and we didn't stop until pareho na kami hindi makahinga.



"And one last question....last na talaga." Ang sabi niya ulit. "Have you ever fantasized about me?"



Nanlaki naman ang mata ko at saka nagblush...tumingin sa malayo, at saka ngumiti.



"Uyyy....oo ba?" Tanong niya, sinunod niya ang mukha ko at kinulit, pina-amin. "Weee....Did you? Did you?"



Kiniliti niya ako sa tagiliran na yun naman ang weakness ko.



"hoy! wag...ang lakas ng kiliti ko diyan!" i said when he poked me once.



"talaga?' excited niyang tanong. he poked me again at napa-igtad naman ako...



"Matthew, tigil!!!" I demanded. Pero mukhang hindi siya tinablahan at mas lalo pa ako kiniliti. It was unbearable kaya napahiga ako habang tawa ng tawa. Hindi niya naman ako tinigilan at naghanap pa ng ibang may kiliti ako. Pumalag naman ako with all my strenght at makaka-alis na sana ako ng umupo siya sa tiyan ko at patuloy akong kiniliti. Dahil dun hindi ko nagalaw ang lower body ko, at nagpupummiglas naman ang kamay ko't ulo habang tawa ng tawa sa ginagawa niya. Pati siya'y di magkamayaw sa kakatawa at dahil sa kakagalaw ko ng kamay, ni-lock niya naman ito gamit ang sariling kamay. Siyempre, ako namang si inosente, nakapikit pa ring tawa ng tawa at pinipilit na igalaw ang kamay until ako na lang ang tumatawa. I opened my eyes, and saw a new side of Matthew. Iba ang tingin niya, parang nagmamaka-awa, and his face was so serious and enchanting. Unti-unti na akong bumigay nung ilapit niya ang bibig niya sa labi ko, at saka muli niya akong hinalikan. Sa noo, on the tip of my nose, sa pisngi, at sa labi. He then lowered his kiss down to my neck, and i willingly tilted my head upwards to give him freedom. Then he stopped.



Natauhan naman ako at umalis siya sa ibabaw ko. He sat uli sa tabi ko habang pareho kami nag-adjust sa muntik na sanang mangyari.



"Did you just surrendered yourself to me?" He said. i think I did... :( But then ang lakas naman ng tibok ng puso ko, paulit ulit kong naririnig ang binitiwang pangako kay Kuya Liam.



Tumayo ako at nagsimula nang maglakad palabas when Matthew came over and then looked in my eyes.



"Andrey...i know we both want this..." He said and gave me another kiss which i didn't dare to resist. Para akong zombie na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Matthew. He lead me to his room at umupo ako sa gilid ng kama niya. Then i heard na ni-lock niya ang pinto.



I won't forgive you. I heard Kuya Liam say.



Lumuhod si Matthew sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko.



"Andrey, don't be guillty. Don't stop yourself. This is the last...our first and last...pagbigyan mo ako please. And i won't accept your no, hindi kita papayagang makalabas ng kwartong 'to."



Ayos lang siguro. Kuya Liam won't know...



And after this, I would say goodbye to Matthew anyway.



At nangyari na nga ang hindi dapat nangyari. Noong pareho na kami nakahubad ay bingi na ako sa boses ni Kuya Liam na sumisigaw sa isipan ko. Nang gabing iyon ay pareho kami nagpaubaya sa makamundong kaligayahan.



Nagising ako ng alas dose na ng gabi. Sariwang sariwa pa saakin ang kanina lamang ay pinagsaluhan namin. Una kong naramdaman ay kasiyahan, dahil hindi ko alam na aabot sa ganito, ngunit makalipas ang ilang sandali ay narinig ko uli ang boses ni kuya liam. I won't forgive you. And then a feeling of guilt swept through my whole body. Gusto ko nang umuwi...i want to see kuya liam so bad...i want to say i love him over and over again....and just forget the fact na bumigay ako sa tukso.



Ginising ko si Matthew habang pareho pa din kaming nakahubad.



"M-matt...i want to go home." I said. He rose attentively naman at saka umupo tulad ng posisyon ko.



"S-sigurado ka? You can just stay here till morning. Ihahatid kita sainyo. Ako nang bahala kina mama mo...I'll willingly accept their scolding." Ang sabi niya while kissing my shoulders. He came nearer and using his tounge, he gently licked my neck pataas sa aking tenga. I closed my eyes and felt the sensation it gave.



"I'm ready for round 4...." he said with a very sexy voice...oo, hindi yan typographical error, nakatatlong round na kami. He kissed me again at maski ako ay ready na sana sa round 4 nang bigla kong marinig ang boses ni Kuya Liam.



I won't forgive you.



It sounded too real na i almost thought he was outside. Napabalikwas ako sa higaan at saka tumayo. Pinulot ang mga damit at isa isang isinuot ito.



"I really want to go home Matt. May sasakyan pa kaya?" I said. Tumayo din siya at saka nagbihis din.



"Tayung-tayo na sana si Junior ko..." Ang sabi niya habang isinusuot ang pantalon. "Oo meron pa. Door-to-door. Mahal ang bayad pero ako na bahala dun."



Nang pareho na kami nakapagbihis, inihatid niya ako at inalalayan hanggang sa malapit na kami sa kalsada. Pero i stopped noong malapit na kami.



"Matt, let's forget what happened this night." I blurted out. Napatingin naman siya sakin, question and sadness written in his face. "Let's end this now. Pinagbigyan lang kita, no, nagustuhan ko din ang nangyari kagabi, pero, huli na iyon. Let's never remember it again."



"No Andrey...i can tell you i will forget it pero my heart won't. I WILL always cherish everything that happened yesterday. After a long time na ginusto kong ilabas ang nararamdaman ko't nagawa ko rin, you're asking me to forget it...its too cruel." He said.



"Matthew, i beg you, forget this day. Forget me. Para sakin. Masaya na ako kay Kuya Liam. I made a huge decision na pagbigyan ka, sana pagbigyan mo naman ang hiling ko...Kalimutan mo na ako." I felt tears roll down my face. He came closer and held my face with both hands.



"See? Even you're eyes are resisting what you're saying...Andrey don't do this." He begged, i can see tears flowing in his eyes too.



"No Matt. I made this decision before i decided to meet you yesterday. I promise i will love Kuya Liam with all my heart after the perfect day...and i never planned na umabot tayo sa gabi. Pero nangyari na, at hindi kita sinisisi dahil may kasalanan din ako. Did you know i was supposed to meet kuya liam yesterday afternoon? Pero binigay ko na ang hapon saiyo, pati na nga ang gabi...I made a huge deal, matt. hindi mo lang alam...Kaya please, forget me." I said at inalis ang kamay niya sa mukha ko.



"Let's treat each other like strangers from this day onwards. Let's never talk, or even share a smile with each other. Let's banish those memories we made yesterday. And if until the end, nagawa mong panindigan ang mga sinabi kong ito, i would always treat our memories special. And you would always be special for me. But for now, Kuya Liam is my all...So forget me." I said and turned back.



"Pero kung dumating ang araw na saktan ka ni Liam, don't expect me to just watch and look. And remember that i love you Andrey... I always will." Ang sabi niya. Hindi ko na siya tiningnan at lumapit sa driver ng single na motor. At saka nagpahatid saamin.



While on the way, my tears kept flowing. I felt too many things. The fact na hindi na kami magpapansinan ni Matthew bukas makes me sad...but somehow, i feel happy and relieved na i managed to let go. And so i promised myself I will love kuya liam with all my heart.



Nang bumaba ako sa motor, inabot ko ang bayad at saka nagmadaling pumunta sa bahay. I carefully opened the gate and tried to sneak in when i saw a shadow near the door. My eyes widen when i realized who it was.



Si Kuya Liam.



"K-kuya...a-anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" tanong ko. In a second, bumalik ang tanong na iyon saakin. He harsly grabbed my wrist at pwersahan akong hinila papunta sa may waiting shed na medyo malayo sa bahay namin.



"San ka galing!" Bulyaw niya agad.



"Sinong kasama mo?! Si Matthew ba!? Ha!!" He shouted at me. Inalis ko ang kamay niya subalit ang lakas ng pagkakakapit niya dito. "Alam kong nag-usap kayo ni matthew sa likod ng room na magkikita."



"kuya masakit na..." Ang sabi ko habang pinipilit na alisin ang kamay ni kuya.



"ANSWER ME!" he shouted. "Maghapon kang wala, umaga pa lang pumunta na ko dito, naghintay ako, Andrey, naghintay ako! pero hindi iyon ang issue. Sinong kasama mo!?" He said



"Sumagot ka!" he pushed me on the wall sanhi nang malakas na pagkakatama ko sa pader. I felt dizzy. Ngunit kahit mahimatay pa ata ako ay parang pipilitin pa rin akong sumagot ni kuya.



"K-kuya, n-natatakot ako sayo..." I said, at saka umiyak.



"Wag kang umiyak, pu**** i**.!" Sinuntok niya ang pader sa ng napaka-lakas that i'm sure nasugatan siya. I scanned his face at nakita ko ang tumutulong luha sa matigas niyang mukha.



"O-oo kuya...Si Matthew nga..." It was almost a whisper. At nang marinig iyon, tumalikod si Kuya sakin at saka sinuntok ang pader habang pinipilit ang sariling wag sumigaw. "ARRRGGGHh....!!!" Ang sabi niya habang buong lakas at paulit-ulit na sinunsuntok ang pader. "Bakit Andrey, BAKIT!" dali akong lumapit sakanya at saka niyakap siya habang nakatalikod, but he violently pushed me away na sanhi ng pagkakatalsik ko sa pader. Lumapit uli siya sakin at pinagitan ang dalawang kamay sa ulo ko habang patuloy naman ako sa pag-iyak. I can see anger burning in his eyes, and i suddenly wished this was all a dream.



"May nangyari ba sainyo?! Sumagot ka!!!Ganitong oras ng gabi ka umuwi, sabihin mong walang nangyari sainyo!" He shouted, still hitting the wall. Iyon bang, alam niya na ang sagot but he still want to hear it from my mouth.



Sa takot, tumango na lang ako habang umiyak. At nang makumpirma niya iyon, yumuko na lang siya at humagulhol.



"bakit Andrey?, bakit?.....binigay ko naman sayo ang lahat!...why can't you keep a single promise? ano pa bang kulang? San pa ba ako nagkulang?" Ang sabi niya habang patuloy pa rin ang pagiyak.



Niyakap ko naman siya at umiyak na sinabi "Kuya, sorry...its my fault...pero please listen to me first.." I begged.



Inalis niya ang kamay ko and looked at me sharply.



"Remember what i said? I will never forgive you Andrey. Nagawa mo sakin to dahil akala mo ba hindi kita kayang iwan? I always knew na hindi ko kayang burahin ang pagmamahal mo kay Matthew. I always knew that there is a part of you na para lang sa Matthew na yon. I almost thought you can love me like you loved him. Pero now I know na hopeless na iyon. Kung nagawa mo sakin 'to ng isang beses, mauulit at mauulit pa 'to. " Ang sabi niya na may panangis. Every word he said were like needles na tumutusok sa puso ko. I want to explain, i want to tell him na siya ang pinili ko, but every word i will say seems nothing sa galit niya. "Try living without me muna Andrey. Kung akala mo you have everything, well then aalis na ako sa buhay mo. Nang maranasan mo man lang ang feeling ng mawalan."



"Kuya!!! Kuya makinig ka sakin....Kuya mahal kita!!!! Hindi ko kayang mawala kaaa.....Kuyaaaa!!!...." Ang sabi ko ngunit dire-diretso lang siya sa pagtahak ng daan palayo saakin.



Umiyak ako ng umiyak.



Pero hindi na bumalik si Kuya.

No comments:

Post a Comment