Author's Note:
Una sa lahat, Sorry. Sorry po dahil napakatagal na delayed ang pagpost ko ng Mirror Fragments. Nawala lang talaga ako sa sarili simula ng pag-uwi ko sa Bicol, at marahil nga pag-uwi ko doon ay nadala ko ang inspiration sa pagsulat, pero pagbalik ko dito, naiwan ko na doon. Iyon po ang dahilan kung bakit wala talaga akong inspiration these days. Pero, thanks God at sa mga taong nag-encourage saakin, dahil eto na po ang Episode 1. Sorry about that too, kasi I remember promising na 3 Chapter na ang ipopost ko, pero eto lang po ang nakaya ng powers ko eh. Hehe
And again, dahil nga on and off ang inspiration ko, medyo may slight differences sa pagsusulat ko. Ewan ko po kung mapapansin niyo pero, you'll notice na may mga times na nagiiba ang writing style ko, or yung narration kumbaga. Dahil yun sa mga mood swings habang ipinagpapatuloy ko ang pagsulat after a week or two. Ewan. I just keep losing it. Pero anyway, the thing is, nandito na po ito. :) Cheers for that!
Greetings!
Salamat kay Ate Aronn Tolentino Reyes, dahil talagang hindi niya po ako iniwan, at kahit hindi ako magonline ng isang linggo, nakakabasa pa rin ako ng message sa wall o inbox ko mula sa kanya. I love you ate aron! Muah! Haha.
Kay Kuya Marlon Miguel Alves, dahil hindi niya rin po ako tinigilan, at laging nangungulit at nagbibigay payo. Salamat talaga po!
Ganun din po kay Kuya Ken sa pagtulong sakin sa pagconstruct nitong unang Chapter. At sa mga payo ding very helpful.
Thanks din po kina Sir Mike, Alvin Ferrer (pagaling ka po!), KF Ybanez (muah kuya, muah!) Edwin Tabalanza(thanks sa inspiration kuya!) , Archivald C. Zaguirre (<3), Chris Evans.
Kung may di man ako nabanggit, tell me! Please!
At sa mga sumusuporta din saakin ng lihim at sa malayo, I give my heart to you. Sana po maibalik ko man lang ang suporta at pagmamahal ninyo by giving you joy to thru this story. Sana po ay mahalin niyo din ito tulad ng Break Shot; mapatawa, mapaiyak, mapa 'L', at siyempre, mainspired.
Marami din pong pwedeng hindi na makatotohanan (fiction, eh) or kulang sa truthfulness (fiction, eh), kulang sa supporting facts (fiction, eh) kulang dito, kulang diyan. Just tell me po, I'll try to improve. :D Since then po first attempt ko ito sa fiction, sana naman wag masyado hard sa criticism ah, (constructive man yan or pure bully) cause they just pull me down....But I will rise, anyway! I will try, really, really try to learn from it.
Enjoy guys!
Prologue :
Bagamat
18 na ako, naniniwala pa rin ako sa mga fairytales. Hindi naman dahil
nasa akin ang isang sapatos ni Cinderella, hindi dahil sa nakatira ako
sa kubo ng Seven Dwarfs, hindi rin dahil isa akong gamit sa kastilyo ni
Belle, o kaya ay isa akong sirenang gustong magkaroon ng paa tulad ng
the Little Mermaid.
But I still believe in the essence
of these fairy tales. I believe one day i might meet my very own prince
charming. Naniniwala pa rin akong darating ang aking fairy godmother na
magliligtas saakin sa aking evil ''stepmother' at sa mga anak nito.
Marahil
iyon ang pinaka dahilan kung bakit naniniwala pa rin ako sa mga fairy
tales...dahil tulad ni Cinderella, i have my own evil mom and mean
brother and sister. I was five years old when my dad, the only person in
our 'family' who showed me warmth, started reading to me a collection
of Disney books before i go to sleep.
Isa lamang akong
ampon, si tatay Gildo ang kumuha saakin sa bahay ampunan. The moment
daw na i looked at him with my deep, round eyes, alam niya nang
kailangan niya akong ampunin.
When he brought me into his
home, naroon na ang kanyang dalawang anak at ang nanay nito. Nanlaki
ang mata ni nanay Esmeralda noong makita ako, at bago pa niya masabing
anak ako sa labas ni tatay Gildo, dinala na siya nito sa kusina at doon
pinaliwanag kung sino at saan ako nanggaling.
Hindi ko
rin alam kung bakit ako kinuha ni tatay despite the fact na dati na
siyang hirap na buhayin ang sariling pamilya. At dahil nga dati na
silang naghihikahos, pabigat ang tingin saakin ng kinalala kong nanay
samantalang kaagaw naman sa pansin ni tatay ang tingin saakin ng dalawa
kong magiging kapatid.
My childhood was a nightmare kapag wala si papa. I was deprived of my right to play, at laging inuutusan sa mga gawaing bahay.
"Katulong
ka dito, ha! Tandaan mo yan! Hindi ka namin anak, hindi ka pamilya
dito, kaya magtatrabaho ka kapalit ng pinapalamon namin sayo!" Ang mga
salitang tumatak sa isip ko na sinabi ng asawa ng tatay ko. Tinuruan
niya ako ng mga gawain sa bahay tulad ng mag plantsa, mag-igib, magluto,
maglinis, name it. At kapag nagkakamali ako, kinukurot ako na lagi
nagiiwan ng marka, o kaya pipingutin ang buhok ko sa may tenga, at kapag
nasusunog ang polo ni tatay, hindi ako pinapakain. Sa edad kong pito,
isa na akong munting muchacha sa lugar na iyon.
The only
days na nakakatakas ako sa malupit na trato ay tuwing Biyernes, na
time ng pag-uwi ni papa galing sa trabaho. Alas siyete pa lang
pinapatulog na ako ni nanay Esme para hindi ko na maabutan si tatay,
pero minsan, lumalabas pa rin ako ng kwarto at hinahanap si papa.
Marami
ding gabing pumapasok si papa sa aking kwarto at ako'y binabasahan ng
mga kwento. Hanggang sa isang gabi, binasa niya saakin ang kwento ni
Cinderella.
"Totoo ba si Cinderella tatay?" Tanong ko matapos siyang magbasa. Ngumiti siya saakin.
"Hindi anak eh. Tulad ng mga binabasa ko sayong kwento, kathang isip lang siya." Ang paliwanag niya.
"Ahh...sayang naman. Gusto ko sana tay totoo siya." Ang sabi ko innocently.
"Bakit naman?"
"Wala lang." Ang totoo'y nakakarelate ako dahil sa pagpapahirap saakin ng nanay ko't mga kapatid.
"Alam
mo anak, hindi na mahalaga kung totoo si Cinderella o hindi. Ang
mahalaga doon, matutunan mo yung esensya. Wag ka lang mawawalan ng
pag-asa, at darating din ang ginhawa na nakalaan para sayo."
Nang
mga oras na iyon ay hindi ko pa naiintindihan ang mga sinabi niya.
Ngunit sa paglaki ko, iyon na ang pinanghuhugutan ko ng lakas.
"Kung ganon tay darating din ang Prince Charming ko?" I said happily. Tumawa si tatay ng malakas.
"Ikaw
ang prince charming, Cody. Hindi ka si Cinderella, babae si
Cinderella. Lalaki ka." Paliwanag niya habang tinatapik ang ulo ko.
Kinabukasan
ay nag family outing kami. Nang naliligo si tatay ay sinabihan ako ni
nanay na umarteng may sakit at wag sumama. Pero siyempre, hindi ako
pumayag. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil alam kong isasama ako ni
tatay kahit anong mangyari. Kinurot ako ni mama sa tagiliran pero tiniis
ko na lang at hinintay si papang matapos maligo.
Dahil
nga bata, dala dala ko ang maliit na librong Cinderella ng araw na
iyon. Naging paborito ko agad ito, at sa murang isipan, umasang balang
araw ay mayroon din akong sariling happy ending.
Namasyal
kami sa isang amusement park. Sa tagal ng panahon ng paglipat ko sa
bahay ni papa Gildo, doon ko lang naenjoy ang pagiging bata. Siyempre si
papa lagi ang kasama ko. Nang kumain kami sa Jolibee, sinabi niyang
mayaman na kami. Halos nagtatalon si mama sa upuan at pinaghahalikan at
niyakap si papa. Nagpabili naman agad ng kahit anong laruan ang mga
anak nito. Successful daw yung isang project ni papa, at dahil doo'y
napromote siya. Ang totoo'y matagal na daw siyang napromote, ngunit
nag-ipon lang siya at naghanda para sa araw na ito na sasabihin niya
nang mayaman na kami.
"Ikaw Cody, anong laruan ang gusto
mo? Pili ka rin." Kunwari mabait na sabi ni mama. Ngunit ang tingin
niya ay matulis at nagsasabing 'subukan mo!'
"W-wala po."
Ang sabi ko, kahit nangangati na ang kamay na mahawakan ang isang
babasaging bola na may tubig at kastilyo sa loob. Gusto ko ang laruan
iyon dahil inisip ko na baka ganoon na ang tirahan ni Cinderella at ng
kanyang prinsipe.
Siguro'y nahalata ni papa ang pagtitig
ko sa mababasaging display, kaya nagulat na lang ako ng kunin niya ito
at saka lumuhod saakin.
"Cody, ibibigay to sayo ni Papa
ah. Ingatan mo, at wag mo lagi paglalaruan dahil madali iyan mabasag."
Shinake niya ito and the glitters inside the glass ball scattered
unevenly. Inabot niya ito saakin. "Tandaan mo love na love ka ni papa."
Niyakap
ko siya at saka pinasalamatan. He's the best thing that ever existed.
Hindi ko na kailangang hanapin ang totoo kong magulang, at titiisin ko
na rin ang pagpapahirap saakin ng aking kinagisnang pamilya. Basta't
hindi mawala sa akin si papa.
Ngunit sadyang madamot marahil ang tadhana.
Pauwi
na kami noon, masayang hawak hawak ko ang bolang babasagin at habang
kami'y tumatawid, hindi ko namalayang nahulog ang libro ni Cinderella na
inipit ko sa aking tagiliran.
Nakatawid na kami nang
maramdaman kong wala saakin ang libro. Hinanap ko ito, lumingon, at
nakita na nahulog sa gitna nang kalsada. Isa lang ang pumasok sa isipan
ko: mahalaga ang librong iyon. Kung kaya't walang pasabing pumunta ako
sa gitna ng kalsada upang kunin ito.
Naging mabilis ang
mga sumunod na pangyayari. Before i knew it, I lost my father. I was
left chasing my dreams, and clutching my Cinderella story in my hand,
alone.
Nang mamatay si papa dahil sa pagligtas saakin,
mas lalong sumiklab ang galit saakin ni nanay Esme at ng mga anak nito.
They accused me of driving away their hopes of a good fortune.
Kasalanan ko ito, kasalanan ko iyan. Lahat ng panlalait, lahat ng
pang-aalipusta, lahat ng pagpapahirap, lahat ng pagmamalupit...lahat
iyon ay buong puso't pagkataong tinanggap ko.
Dahil hanggang sa ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili sa pagkawala ng tanging taong nagbigay saakin ng pagmamahal at kalinga.
But i didn't stop believing in fairy tales.
-----------------------------------------------
Chapter 1 - The Boy Who Believes in Fairytale (Preview)
I started out another normal, normal, exciting day with my life. Here i am, strolling the streets, humming a lullaby, looking at the skies, walking under the falling leaves of cherry blossoms.
Teka, take two.
I started out another boring day with my life. Here i am, riding my bike early in the morning, naghahatid ng mga diaryo sa mga convenience store. Naghihikab, hindi pa nag-aalmusal, kailangan pa maligo, alas siyete pa ang pasok.
I try hard to be an optimist, you know. Gusto ko lagi positive, carefree, pasipol sipol...Ngunit minsan, truth and reality just keep hitting me. Pwede bang mas madali ang buhay? Yung nasa loob ka lang ng isang mala-palasyong bahay...may taga-luto, taga-laba, taga-linis. Okay din kung may magpapaligo sayo, may taga toothbrush, at taga bihis. (pero ako na lang magsusuot ng underwear.)
Hayy.
Nevermind.
Kelangan ko na mahatid lahat ng diaryo bago pa ako malate sa school. At saka kelangan ko pa pala maghanda ng almusal para sa mga step-mother,-brother, and -sister ko. Magpi-prito na lang ako ng itlog. Mas realistic pa yun.
Matapos ko magluto ay dumiretso ako sa cr para maligo. Ganitong oras ng umaga ay napaka-saya ko at minsan nga, sumasayaw sayaw pa ako. Bakit? Dahil bwelo akong gumalaw sa buong bahay samantalang humihilik pa ang mag-iina. Pero kapag nandiyan na sila, back to 'goodboy' mode na naman si Cody Cleton.
Teka....Cody Cleton? Ako ba talaga yun? Hindi ko rin alam. Ang apelyidong Cleton ay matagal nang gustong alisin saakin ng aking stepmom. (Ako rin naman, gusto ko na alisin, kung hindi lang kay papa) Ang pangalang Cody naman ay bigay pa saakin ng mga madre sa ampunan.
So sino nga ba ako? San ba ako nanggaling?
Walang nakaka-alam. Hindi ko rin alam.
Matapos ihanda ang almusal ay isa-isa nang nagsibangon ang aking mga amo. Mysteriously, kapag natatapos na ako magluto ay saktong oras na lagi silang bumabangon o lumalabas ng kwarto. Marahil ang halimuyak ng aking niluluto ang gumigising sakanila. Hindi naman sa nagmamalaki, masarap at magaling daw ako magluto sabi ng mga kaibigan ko at sa mga bisita ng bahay na nakakatikim ng aking mga luto. Sa tagal ba naman ng panahon na ako ang tagaluto ng bahay, hindi pa kaya ako magiging bihasa sa larangang iyon? (Pati na rin siguro sa paglalaba, paglilinis, etc.). Kaya nga kapag mainit ang ulo ng aking stepmom, o kaya kelangan ko ng konting pandagdag sa aking panggastos, nagluluto ako ng ubod na sarap na ulam para makundisyon na siya sa aking sasabihin. Ngunit bago ko makuha ang nais ko, kelangan muna ng mahabang ritual kung saan ang pagluhod ay isang birtud. Nakakairita man, nasanay na ako sa mga lumilipad na kawale o kaya pinggan sa tuwing hihingi ako ng pabor sa pamilyang ito, lalo na kapag may perang kasama.
“Marami ka pa ngang utang saamin, hingi ka pa ng hingi!” Ang laging sinasabi ni nanay habang walang kontrol na nagsisilabasan ang mga usok sa mga butas ng kanyang ilong. Para siyang si Majinboo sa tuwing ako ang may kailangan. Samantalang sila, kapag may kailangan, buong puso’t kaluluwa kong ginagawa at binibigay sakanila.
Pero ayos lang. Malapit ko na rin naman mabayaran ang utang na iyon.
Matapos magligpit ng kinainan ay tumungo na ako sa aking munting kwarto. Dati itong imbakan ng mga hindi na ginagamit na gamit sa aming bahay noong buhay pa si papa. Pero nang mamatay siya, pinalinis iyon saakin at saka doon na ako pinatira. Hindi naman kawalan o kasawian ang kwarto kong iyon. Katunayan, ang kwartong iyon ang isa sa mga pinakamagandang nangyari saakin sa bahay na ito. Isa kasi itong attic, at may bintanang pwede ko silipan sa labas. Kaya okay na rin saakin ang tumira doon.
So iyon na nga, umakyat ako sa aking kwarto at naghanda sa pagpasok sa paaralan. Matapos maligo, pinagmasdan ko ang taong nakatingin saakin sa harap ng salamin. Naalala ko noong bata ako, nagigi akong taga-agaw ng atensyon saan man magpunta dahil sa kakaibang ayos ng aking mga facial features. Hindi sa nacu-cutan sila saakin, kundi upang pagmasdan ang weird kong hitsura. Noong bata kasi ako, medyo wavy and aking buhok, malalaki at bilog ang mata, matangos ang ilong, at nagmamalaki ang mga labi. Kaya naman, kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang ako, nagi nang usap usapan sa mga madre kung saan ako galing at anong lahi ba ang aking mga magulang. Ngunit sa awa ng Diyos, unti unti namang nagbabago ang hitsura ko habang ako’y lumalaki. Hindi na gaanong kulot ang aking buhok, at hindi na rin gaano kahalata na bilog at malaki ang aking mga mata. Bumagay na kasi ito sa aking mukha, na noo’y maliit pa kaya hindi proporsyon tingnan.
At sa kasalukuyan kong hitsura ngayon, masasabi kong pwede ko na rin itong ipagmalaki. Napapadalas na kasi ako may marinig na sinasabing ang cute ko raw. At hindi ko rin alam kung kelan pa, pero ang wavy kong buhok ay bumagay na sa mukha ko. Masyado na kasi itong mahaba, kaya naman para tuloy akong isang Korean male artist na may mahabang buhok. Parang si Ji Hoo ng Boys Over Flowers.
Umangkas na ako sa aking bisikleta at tumungo na sa Unibersidad ng Santo Tomas. Im studying second year nursing here as my pre-med, at kung papaano ko nagawang makapasok rito, is something else. Ganto kasi yon.
One and a half year ago, nagdesisiyon si Kuya Allen at Ate Melissa na mag take ng entrance exam sa UST. Siyempre todo support naman ang kanilang nanay. At ako, dahil UST talaga ang dream university ko, ay humiling ding mag exam sa nanay nanayan ko. Pinayagan ba ako? NO. Siyempre. Tiningnan lang nila ako ng masama, at pagkadaka’y sabay silang tatlong tumawa ng pagkalakas lakas.
“Ni hindi mo nga mapakita ang mga grades mo saakin dahil sa kabobohan mo, gusto mong subukang magexam sa ust? Cody naman…gutom lang yan! Dun ka na lang sa kusina, magluto ka ng magluto. Wag ka na mangarap na makapag-aral sa kolehiyo. Sakit sa ulo ka na nga noong high school ka, makikipagsabayan ka pa sa mga pinakamamahal kong anak! Gumising ka nga.” Ang tuloy tuloy na sabi ng aking ‘nanay.’
“Wag ka mag-alala bro, gugupitan na lang kita mamaya. May bago akong design para sa damuhan mo sa ulo. Hahaha.” Ang sabi naman ni Kuya Allen.
“Cody, plantsahin mo ng maayos yung isusuot ko sa araw ng exam ha. Kelangan walang gusot. I want to lookalike the finest girl in the full campus of ust. I want to look gorgeously so all boys crawling to get me!” Si Ate Melissa with her misused English na ewan kung saang kanto kanto napulot. Iyan kasi ang nangyayari kapag pinapag-aral ka tapos puro boyfriend at cutting class ang ginagawa mo.
Siyempre, naasiwa naman ako sa inasal nila. Hindi naman sa bago ang gantong eksena sa bahay na ‘to, pero, pangarap ko talagang makapag-aral ng kolehiyo. I don’t want to be stuck in this place with these arrogant people. May sarili din akong pangarap, pangarap na tutuparin ko kahit anong mangyari. At kung sakaling hindi nga ako makapag-aral sa ust dahil sa mahal ang tuition, at least man lang makakuha ako exam para malaman ko kung karapat dapat naman ako sa pangarap ko.
At saka, hindi ako bobo. Katunayan, ako ang valedictorian sa klase namin. Ngunit hindi iyon alam nina tita dahil hindi ko sinasabi sakanila. Mula pa noong elementarya, hindi nila alam ang sandamakmak na parangal na natatanggap ko sa aking paaralan. Lahat ng medal at certificates ko kasi ay nakatago lamang sa ilalim ng aking kama. Sa awa uli ng Diyos, wala namang nagsusumbong sa nanay ko na may natatanggap akong parangal dahil halos buong baryo ay alam ang trato saakin ng aking nanay. Alam rin nila ang posibilidad na hindi na ako papag-aralin kung magkataon. Ang mga kapatid ko naman ay sa private school nag aaral kaya wala rin silang alam sa whereabouts ko.
At para siguro hindi talaga ako makapag-take ng entrance exam, kinulong ako sa bahay sa araw ng exam. Pero siyempre, alam ko nang mangyayari to. Kaya naman nang naiwan ako doon, binasag ko ang alkansya ko habang ini-imagine silang tatlo, at saka binilang ang ipon. I have more than enough para sa exam fee. Kinuha ko ang notebook kung saan ko sinulat ang mga schedule of exams, at hayun, nakapag-exam ako sa ibang araw.
Yung result?
“Hindi ako nakapasa. Bad trip.” Si Allen.
“Hindi ako nakapasa Ma!” Ang sabi ni Melissa sabay yakap sa nanay para iwas palo. “Pero that’s okay mama. Because I will just trying in many etc. school, like FEU, AMA! Right mama?”
Nang gabi namang iyon, hindi na ako makapag-hintay buksan din ang result na naipadala saakin. At noong mabasa ko iyon, abot langit ang aking kasiyahan. Lalo na nang malaman kong may scholarship para sa valedictorians.
Hindi ko rin alam kung paano ko nasabi iyon sa mga kasama ko sa bahay. Basta noong malapit na ang pasukan, habang kumakain kami ng specialty kong sinigang , sinabi ko sakanila na mag-aaral ako sa ust. Nagkaluwaan ng mga subong kanin at sabaw nang pasabugin ko ang bombang iyon, at ilang linggo rin akong natulog sa labas ng bahay.
Nagmadali akong nagbihis at agad muling umangkas sa aking bisikleta papunta sa paaralan. Malapit lang naman kasi iyon saamin. Siguro 15 minutes ng pagbibisikleta with maximum traffic.
Pero nang dumating ako sa aming room ay 15 minutes din akong late.
“Cody, ba’t late ka sa first subject natin?” Tanong saakin ni Chinny nang break time sa medicine cafeteria.
“Sus. Nagtaka ka pa. Bago ba yan?” Sarcastic na sagot ni Andrey sabay subo sa hotdog sandwhich niyang binili.
“Alam niyo na. hehe. Overtime sa work.” Ang sabi ko naman sa dalawa habang sinasagutan ang assignment namin sa Math.
“Why don’t you just leave your mother’s house? Masyado ka Cody ah. Nagpapaka-30 years old ka na sa pagtrabaho sa restaurant na yon tapos ibibigay mo lang sa nanay mo. You deserve an award for that.” Ang sabi ulit ni Chinny.
“Anong award naman yan, Chinny? All-time martyr award? Best-time-management-but-no-time-for-himself award?” Si Andrey ulit, maintaining sarcasm in his tone.
“Grabe naman kayo. Eh kung umalis ako sa bahay noon pa san ako pupulutin ngayon?” Ang sabi ko lang. Pilit ko mang takasan ang ganitong topic namin, lagi naman binubuksan ng dalawa kong pinakamatalik na kaibigan. Ang dalawang taong nagsisilbing mga gabay ko’t katuwang. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit nagawa kong magsurvive gano man kahirap ang course ko.
May mga nagsasabi saakin sa lugar namin na sayang daw kung nursing lang ang kukunin kong course given na scholar ako. Napakarami na daw nurse sa buong mundo, at wala namang masyadong job opportunity lalo na sa Pinas. Pero ewan ko rin sa sarili ko kung bakit nursing pa rin ang pinili ko despite the fact na kelangan ko ng trabahong mag-aangat saakin sa lusak na kinalalagyan ko ngayon. Pero nursing has really been close to my heart ever since my father died. At that time, foolish as it was, i was blaming the doctors and nurses for not doing their best when my father was sent to the hospital after that incident. Hindi nila inuna ang tatay ko kahit nababalot na ito ng dugo at naghihingalo. At siyempre, sa murang isipan ko naman, nagkaroon ng galit sa mga nurse at doktor na dinadaanan lang kami at ang duguang katawan ni papa. Pero, dahil na rin sa nature kong maging positive, hindi ako nagtanim ng galit sa pagkukulang ng mga alagad ng medisina. Bagkus ay ipinangako kong magigi akong isang duktor na walang pinipintasan, walang pinipiling tulungan, at hindi naghihintay na mamatay na lamang ang isang pasyente.
At for your info ha. Hindi madali ang kusong nursing sa UST. Accredited kasi ng CHED ang College of Nursing ng UST bilang “Center of Excellence,” kung kaya’t lahat ng estudyante roon ay candidate for excellence din. At upang panindigan naman ang titulong iyon, siyempre mataas talaga ang standard at quality ng pagtuturo sa aming college. May cut-off din ang first year. Puspusan talaga ang mga lesson at mga duty para sa araw na mag-graduate kami, siguradong proffessional ang level namin. Kaya naman whenever someone hears na graduate ito ng UST College of Nursing, their jaws would drop, at titingnan ka nila ng nakanganga while saying “i adore you for surviving nursing.” Kaya sino makakapagsabing madali ang course ko at hindi karapatdapat tingalain? Eh kung sa bawat ospital nga marinig lang na graduate ka ng nursing sa ust ay alam nilang mahusay ito’t maayos ang pagkakahulma. Pero siyempre, ang kapalit naman ay walang pakundangang sunugan ng kilay, ang walang sawang ‘sleepless nights’, at padaka-dakang pag-iyak habang nagsasabing ‘hindi ko na kayaaaa.’
Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko kina Chinny at Andrey. Kahit na mahirap ang magtrabaho habang nag-aaral ka, nakakahabol ako dahil sakanila. May mga araw at ilang subject na pinapatulog na nila ako sa medicine auditorium habang sila nama’y nag-aattend ng klase at pinag-iigihan ang pagnotes at pakikinig para turuan na lang ako pagkatapos kong magpahinga.
“Eh kasi naman, diba sabi ko noon pa na sama na lang tayo sa apartment ko? Hati tayo ng rent. Eh di sana hindi mo na kailangan magtrabaho para lang ibigay sa nanay mong nanay-nga-ba.” Si Andrey.
“Guys, uulit ko na naman ba kung bakit?” I asked.
“We know why Cody. It’s just that we still think that it’s not right. It’s not fair.” Ang sabi naman ni Chinny habang natingin saakin with a meaningful look.
“And as your friends, gusto namin malaman mo na you’ve done enough tol. Its time na sarili mo naman ang asikasuhin mo.” Ang tugon naman ni Andrey habang nakatingin din saakin.
I just smiled at them while thanking God for blessing me with such wonderful friends.
“Don’t worry guys, malapit na. Naalala niyo pa ba ang pinangako ko sa sarili ko regarding my own freedom?” Ang sabi ko naman.
Nanlaki ang mata ni Chinny at ni Andrey. Ngunit napalitan din agad ito ng ngiti.
“Two days na lang mga friends...Two days na lang..! Naamoy ko na ang kalayaan.” I said with joy.
At muli na namang natapos ang isa na namang araw sa buhay ko.
Dalawang gising ko pa mula ng araw na iyon, kaarawan ko na. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng paglaya. Ang araw ng pagsasarili. Ang araw ng pag-alis sa mahahabang kuko ng aking nanaynanayan. This is my 18th birthday...at mula ng magkaroon ako ng kamalayan at kaalaman sa karapatan ko bilang tao, ipinangako kong pagdating ng aking ika-labingwalong kaarawan ay papatawarin ko na ang aking sarili sa pagkawala ni papa. At kasabay noon, aalis na rin ako sa puder ng aking nanaynanayan at magsisimula nang mamuhay ng mag-isa. Hindi ko alam kung papaano at saan, ngunit pinaghandaan ko din ang araw na ito.
Happy birthday tol...Goodluck! Kaya mo yan! Break Shot! Ang text ni Andrey nang pumatak ang alas dose.
Go Cody boy! Its your birthday. The day of the days. Ang turning point ng buhay mo. Wag mo na palagpasin. And may the odds be ever in your favor! Si Chinny ilang segundo matapos dumating ang kay Andrey.
Night came too fast, but I still haven’t heard any form of greeting from anyone of the members of my family. I guess they didn’t even know the significance of the day. Would they even care? They really never cared. Especially for me. But I did, for them. I cared for them so much, I didn’t really care about myself. Pero panahon na para baguhin iyon. At ngayong gabi, simula ngayong gabi, sarili ko naman ang iisipin ko.
Busy silang lahat nang bumaba ako sa hagdan, dala ang aking maleta. I didn’t bring much, just a few things I can say I own. Ang unang nakapansin saakin ay si nanay. She made a sound, though I’m not sure if it was a grunt or gasp. Then after a second, shock was written all over her face.
“A-anong ibig sabihin nito?” She managed to ask at tinigil ang ginagawang paglalagay ng Eskinol sa kanyang mukha. Napalingon naman sa direksyon ng mata ng nanay nila ang dalawa niyang anak, at nabitawan ni Melissa ang hawak hawak na ballpen.
“C-cody! S-san ka pupunta?” Allen asked, his face questioning too.
“Magpapa-alam na po ako sainyo, ma.” I started. The speech for this night was already practiced a thousand times in the past, only that it was full of hate and upbringings. Pero ngayon, ang kagustuhan kong lumaya ay nangingibabaw. Besides, I don’t hate this family at all. I’ve always forgiven them for whatever extremes they did to me.
“Aalis ka?!” Mother said in utter disbelief. But the voice was taunting, as if I’m doing something foolish, or even hilarious. “Nagpapatawa ka ba Cody? Ano na namang pumasok diyan sa kukote mo’t bigla mo naisip maglayas. Umayos ka nga.”
“Seryoso po ako. Pero gusto ko po magpasalamat sa lahat lahat. Salamat at kahit papano’y naging parte ako ng pamilyang to. Salamat dahil hindi mabubuo ang pagkatao ko kung wala kayo. Pero kailangan ko na din hanapin ang sarili ko. Ang buhay na naghihintay saakin sa labas. Sana wag niyo nang ipagkait saakin ang kalayaan kong iyon.” Tumalikod ako at nagsimulang humakbang sa pintuan. Pero as I expected, they wouldn’t let me slip off that easily.
“At ano sa tingin mong sasabihin ng tatay sa gagawin mo?! Matapos mo kaming agawan ng ama, basta ka na lang aalis?!” Si Kuya Allen. Tinigil niya din ang ginagawa at tumayo.
“Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko? All my life I’ve been doing everything para sa inyong tatlo. Hindi pa ba sapat iyon?” I could hear the grief in my own voice. Despite na alam kong dadating sa ganitong puntong sumbatan, I still couldn’t help my tears. “Im old enough. Maari na akong magdesisyon para sa sarili ko.”
“Cody, anak,”
She called me her son for the first time, now that I’m leaving. To stop me from leaving. “Iyan ba, kaya ka ba aalis? Hindi ko naman nakalimutan na birthday mo. Ilang taon ka na nga? 18?”
For the first time I finally felt she was my mother. Although the words made me happy, it wasn’t enough to stop me from leaving. No words would be enough to stop me.
As I made another few steps on the door, I heard my mother made a faint cry.
“Paano na kami pag wala ka, Cody? Anong gagawin namin? Pano na kami?”
Totoo ba ‘to? My mother actually cried for me? If only her true intention sounded too obvious. She was only sorry for herself and her children. Of course, ano nga bang gagawin nila kung wala ako. Kung wala ang kanilang all around katulong.
“You’ll survive.” Ang sabi ko lang as I reach for the door. I was expecting any violent act, pero nakalabas naman ako ng bahay nang walang kamlot. It actually went easier than expected.
I walked the along the silent streets, tightly holding my baggage. I was thankful of the dim lights illumining the streets for hiding my tears. The night welcomed me with a different atmosphere. I felt like I own the world. Iyong tipong kahit ano pang gawin ko’y wala nang huhusga saakin, walang magdidikta ng aking kilos. Sa wakas magagawa ko na ring mabuhay nang para sa sarili ko. Mahirap man, hindi ko man alam kung saan magsisimula, ang tanging nasa isip ko lang ay kung papaano lulubusin ang bagong kalayaang ito.
__________________________________________________________________
Three days ago, I was a merry young man, dancing in the streets, enjoying my newfound freedom. Pero ngayon, it felt like the whole world fell down on me. Nadisqualify ako sa scholarship dahil hindi ko na-meet ang qouta. Napabayaan ko ng kaunti ang pag-aaral dahil sa masyadong busy sa trabaho.
“Pano na yan...huhu. Finals na natin. Hindi ako makakapagtake ng exam kapag hindi ako nagbayad.” Ang pag-iyak ko habang nakatago ang mukha sa balikat ni Chinny.
“Bakit kasi biglaan? Eh di sana napaghandaan namin ni Chinny kahit papano yung tuition mo kung nalaman lang namin na nadisqualify ka.” Ang tanong naman ng worried na si Andrey na nakatayo at nakatingin samin ni Chinny.
“Hindi ko rin alam....huhuhu...Nagulat din ako nang sabihan ako ng adviser natin na hindi pa ako nakakapagbayad para sa second sem. Tapos pumunta ako sa Office of Student Affairs, tapos sabi nila nadisqualify daw ako. Huhuhu. Nagbigay daw sila ng notice sa office ng College of Nursing, pero wala naman akong natanggap.” Ang paliwanag ko. Suddenly, I felt my dreams crushing down before me.
“Three days na lang ang finals natin diba? May konting pera naman ako, pero 15% lang iyon ng tuition natin. Ikaw Andrey, ilan mapapahiram mo?” Ang sabi naman ni Chinny habang hinahaplos ang balikat ko.
“30% pa ang pera ko. Pero kasama na yun sa allowance ko sa dalawang buwan. Baka 15% din lang ang mapahiram ko sayo tol.”
Nabuhayan naman ako ng loob sa narinig. Kung ganoon, kalhati na lang ang iipunin ko. Pero sa loob ng tatlong araw? Hindi ko yata kaya. Pero I can’t really give up kahit napaka konti ng chance. Heto na ang mga kaibigan ko at nagbibigay ng tulong, i should at least try.
“Nahihiya na ako sa inyong dalawa. Lagi niyo na lang sinasalo ang mga pangangailangan ko. Sobra na nga itong pagpapatuloy mo Andrey dito sa apartment mo, mababawasan ko pa ang allowance mo. Wag kayong mag-alala kapag naging mayaman ako, kayong dalawa ang una kong babalikan.” Ang sabi ko while wping my tears.
“Sus. Unahin mo si madir mo. Pag naging mayaman ka hahabulin ka kahit sang lupalop ka pa ng mundo mahuthutan ka lang.” Chinny said. We all laughed a little.
“Pero Cody that means kelangan mong maghanap ng 30%. Mahirap yun lalo na’t tat---”
“Kakayanin ko. At least, susubukan ko man lang.” Pagpuputol ko kay Andrey. Tumayo ako saka ngumiti sakanila.
“Mag-aadvance muna ako sa sa pinagta-trabahuhan ko. Salamat Chinny sa pagpunta dito.”
“O sige. Susubukan ko rin Cody na kausapin si dad.” Ang sagot naman niya habang tumatayo din. She hugged me first at saka si Andrey at saka nagpa-alam para umalis. Niyakap ko din si Andrey at saka nagpaalam para umalis.
Nasa malalim pa rin akong pag-iisip kung saan kukuha ng pera habang sakay ng aking bisikleta papunta sa fast food chain na aking pinagtatrabahuhan.
Nagising na lang ako na nasa labas ng pinto ng opisina ng amo ko. Tulala.
“Wala na. It’s over…”, paulit ulit na sabi ng utak ko.
Walang ibang laman ang utak ko kundi ang kasawian. Lalo pa ngayong hindi ako pinayagang mag cash advance sa trabaho ko. Three days. Tatlong araw? Paano at saang kamay ng Diyos ko kukunin ang perang kinakailangan para sa Finals.
At that point, hindi ko namalayan na pumatak na lang ang luha ko. I suddenly felt cold, and alone. There, I realized, I was helpless…
“Mr. Cleton…? Are you okay?”, rinig ko na lang pagtawag sa pangalan ko. Nang mapalingon ako ay nakita ko si Mrs. Gilvero, ang aming Guidance Counselor. Doon, para na lang akong batang biglang nag iiyak. I was ready to give up, or atleast, that’s how I felt.
“Oh, anong nangyari?!”, taranta at alalang tanong nito. Naramdaman ko na lang na inaalalayan ako nito papunta sakanyang opisina.
Pinaupo niya ako at doon, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Narinig ko ang pagtatanong ng aming Guidance Counselor kung ano nga ba ang problema at ano ba ang rason ng aking pagiiyak. I tried to compose myself. Halos habol hininga kong ibinuhos sakanya ang aking saloobin at sinabi ang lahat lahat.
Suddenly, she smiled.
“Have you considered writing a promissory note?”, nakangiting sagot nito sa akin.
Promissory note? Bakit nga ba hindi ko naisip yun?! Since makakabayad naman kahit half. Pero…
“Po…? Eh kasi…”, malungkot kong tugon.
“If iniisip mo kung sino ang magiging guarantor mo, I can help you with that. Ako ang pipirma.”, nakangiting sagot nito muli sa akin.
“Po?!”, gulat at sabik kong tanong. Bigla naman ako parang nabuhayan ng loob.
“Yeah. Actually, I am really moved by students like you. Marami kasing mga tao ang sinasayang ang pagkakataon na makapag-aral. Pero ikaw… Naramdaman ko sa bawat salita at iyak mo ang determinsayon na makapagtapos. Kaya naman kahit sa ganitong paraan ay gusto kitang matulungan.”, buong sinceridad na sabi ni Ms.Gilvero.
Walang humpay na pagpapasalamat ang ginawa ko sakanya. Ngingiti ngiti lang naman ito sa akin at sinabi sa akin na ipangako ko lang na talagang pagbubutihan ang pag aaral. Buong loob ko naman na sinabi na dito na hindi ko sya bibiguin at tatanawin kong malaking utang na loob ang kabaitan nito sa akin.
I was on my way home, smiling as I ride my bicycle. Wala mang kasiguraduhan kung papaano ko mababayaran ang kabubuang bilang ng aking tuition at ang aking utang sa mga kaibigan, nabuhayan na ako ng pag-asa dahil may mga panahon pa ako pa upang makahanap ng paraaan matustusan ang mga iyon.
Ngunit hanggang kailan?
Sa tanong na iyon ay napawi ang kasiyahang naramdaman ko kanina lamang. Hanggang kailan ko magagawang tustusan ang aking pag-aaral? Ilang promisory notes pa kaya ang gagawin ko para sa mga natitirang taon bago ako gumraduate? Hanggang kailan kaya ako pauutangin ng aking mga kaibigan?
At doon ko tuluyang naramdaman ang panlulumo sa katotohanang ako na lamang ang bubuhay sa sarili ko. And again, the question that haunted me all my life came to haunt me once again; nasaan ang mga magulang ko? Hinahanap kaya nila ako? Maghihirap kaya ako ng ganto kung hindi ako nawalay sakanila?
I sighed. Pero dapat siguro ay huwag na ako umasa pa. Baka ganoon din naman ang nangyari kung nandiyan sila. Baka mahirap din lang sila at hindi rin nila ako mapapag-aral sa ganto kalaking unibersidad. At saka, ipapamigay ba nila ako kung hindi sila mahirap? Tama. Iyon na nga marahil iyon. They were so poor that they gave me to the orphanage. Kung magkaganon ay marahil mas mabuti na ang ganito. Ayaw ko na ring dagdagan ang paghihirap nila kung ganoon na sila naghihirap, at nagawa nilang ipamigay ang sariling anak. Sigurado naging mahirap sakanila iyon. Umiiyak din siguro sila habang iniiwan nila ako sa labas ng bahay ampunan.
I wonder how old I was when they left me there. Ang totoo'y hindi ko alam. Hindi ko maalala. Marahil naging masyadong masakit saakin ang pangyayaring iyon kaya hindi ko na maalala pa ang mga nangyari nang araw na iniwan nila ako, pati na rin ang mga mas nauna ko pang ala-ala. Tulad nga ng nabanggit sa discussion namin sa Psychology, my memories must have been repressed due to the emotional state I was in during those events. Para din akong isang sanggol na walang alam sa mundo sa mga unang araw sa ampunan. Hindi alam ang pinanggalingan, hindi alam ang pangalan, at maski ang mukha ng aking ina't ama'y hindi ko maalala. Sa mga unang araw ay pilit kong inaalala ang aking pagkatao sa kagustuhang lumayas sa ampunan. Ngunit dahil nga hindi ko alam kung saan ako uuwi kung makatakas man ako, hindi ko na sinubok pa. Up until now, all I see is a child crying alone in one of the dark corridors of the orphanage. Isang batang umiiyak, walang alam sa kanyang nakaraan, at walang kasiguraduhan sa kung ano man ang naghihitay sa hinaharap. I was really sad during those times, I felt all alone, feeling like the orphan that I really was.
Then I remembered the dark days matapos mamatay si papa. The doomed days na halos ako na ang igudgod ni Mama Esme sa sahig para ipanlinis sa mga dumi doon. Yung mga araw na naglalaro sa labas sina Ate Melissa at Kuya Allen habang ako’y nasa loob ng sala, naglalampaso ng sahig na kakatapos ko pa lamang lagyan ng floor wax, at lihim na sumisilip sa bintana, nakikitawa, naiinggit. Ang unang taon na nakalipas nang mamatay si Itay at binisita naming ang kanyang puntod, at nandilim ang mata ni Inay, at marahas na hinablot ang aking buhok at inilapit ang mukha sa puntod ni Itay habang umiiyak na sinasabing “Tingnan mo! Tingnan mo ang puntod ng asawa ko at ama ng mga anak ko! Tingnan mo kung anong ginawa mo sakanya! Pinatay mo siya! Dapat ikaw ang nasa loob niyan! Ikaw dapaatt!” Ang mga kaarawan ko na mag-isa akong nakakulong sa kwarto habang kinakantahan ang sarili at hawak ang babasaging bola na bigay ni Itay. Ang mga Christmas Eve na nag No-Noche Buena sila sa sa kusina habang ako ay nilalamig sa aking kwarto. Ang mga paskong wala na akong ginawa kundi umiyak, at hilingin na sana ay ibalik na ako sa aking totoong pamilya na hindi ko naman maalala kung ano at sino. At ang araw na makilala ko si Hesus, ang aking totoong ama, at natutunan magdasal, at gabi-gabing nangungusap na mahanap ko na ang totoo kong pamilya, na mapatawad ako ni Nanay Esme at ng mga anak nito at ni Tatay Gildo, na walang masamang mangyari sa nanay at mga kapatid ko, na hindi ako mawalan ng pag-asa, na patuloy akong maging mabait dahil iyon ang nais ni Tatay Gildo at ni Papa Jesus, ng dalawa kong ama. Hiniling ko rin, kahit imposible, na balang araw ay matutunan akong mahalin ng aking nanay. Sa paglipas ng panahon, doon lang ako humugot ng lakas.
Hindi ng lahat ng iyon ay nagkaroon ng katuparan sa aking paglaki. Ngunit may pinadala namang mga anghel ang Diyos para ako’y gabayan at alalayan; sina Andrey at Chinny.
Tumutulo na aking luha habang nasa ganoong pag-iisip nang lumiko ako sa isang kanto, hindi namalayang may kasalubong na kotse, at sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na maalala kung paano ko naramdaman ang sariling nakahandusay sa gilid ng kalsada.
And then some buried memories flashed inside my head.
"Kumain ka na, bilisan mo. Wag ka na umarte. Kumain ka ng marami at bukas ay dadalihin ka na namin sa ampunan. Pabigat ka lamang dito! Palamunin!" Ang sabi ng galit na tinig ng isang babae. Hindi ko maalala kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Hindi ko rin mawari ang kanyang mukha. Siya ba ang nanay ko?
"A-ayoko po...Ayoko..." Mga salitang lumabas sa aking bibig. Umiiyak ako? Napansin ko ang tatlo pang bata na nakaupo rin sa lapag at nakapalibot sa pagkain na nasa harap ko. Mga kapatid ko ba sila?
"Aba...umaarte ka pa talaga ha!" Ang sabi muli ng babae. Tumayo ito at may kinuhang patpat sa kisame. Pagkakita sa patpat ay napa-atras ang isa sa mga batang kumakain at hawak ang kanyang munting plato, sumiksik sa isang sulok ng bahay habang may takot na pinagmasdan ang babaeng ngayo'y papalapit saakin.
"Halika rito bata ka!" Biningbing niya ang kanan kong braso, pinilit akong patayuin, at walang humpay na pinalo ang aking puwetan.
"Tama na poooo!!!....Tama naaa!!!...Ayoko na ppoo.!!!..." Ang pagmamakaawa ng aking munting tinig habang dinaramdam ang sakit ng bawat hagupit ng aking ina.
"Lydia! Ano bang ingay na iyan?! Gawin mo na nga ang plano at nang mabawasan ang sakit sa ulo. Letse! Patahimikin mo iyan!" Narinig kong boses na nangaling sa labas. Malalim. Nakakatakot. Siya ba si Itay?
"Ayoko!!!! Ayoko po sa ampunan! Ayoookoo!!!" Ang sabi ko at nanlaban sa babaeng may mahigpit na hawak sa akin. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak, at saka muli ay ako'y pinalo. Ng paulit-ulit. Ng paulit-ulit...
Nakakapag-isip ba ang patay? Marahil ay oo, dahil nang bumalik ang parteng iyon ng aking ala-ala, ito lamang ang naisip ko...
Kahit pala sa buhay ko bago sa ampunan ay hindi na ako sinwerte. Mahirap lang ako, may tatlong kapatid na mas payat pa sa tingting at may malupit na mga magulang. Nakatakas man ako sa mapait na buhay na iyon, hindi ko man naalala ang malupit na nakaraan at katotohanan sa aking pagkatao, ganoon din naman ang sinapit ko kay Nanay Esme at sa dalawa kong kapatid. Si Tatay Gildo lang talaga ang taong tinuring akong pamilya. Ngunit kinuha din naman agad siya saakin ng Diyos.
At ngayon, marahil naawa na saakin ang Diyos, at heto't magkikita na kami ni Tatay Gildo. At ni Papa Jesus.
Chapter 2 - Once Upon A Time (Preview)
Nakita ko siya. Isang anghel.
Marahil.
Sa mukhang iyon, marahil ay isa nga siyang anghel. That kind of beauty was just too inhuman, too unearthly.
"Tol...tol...okay ka lang?! Anong nararamdaman mo?."
Kahit ang kanyang boses ay makalangit. Pero... naisip ko lang, Tagalog din ba ang lengwahe ng mga anghel? Tol din ba ang tawag nila sa mga taong sinusundo nila? Ang weird naman. Which brings me...
"Buhay pa ako?" Tanong ko, habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang mukha. My senses snapped back, at saka ko ginalaw ang aking ulo upang pagmasdan ang paligid. Nasa Pilipinas pa rin ako. At ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang tanging taga-langit.
Meet Alexis. Alex. Al.